Bakit kinulang ang suplay ng tubig ng Manila Water? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bakit kinulang ang suplay ng tubig ng Manila Water?

Bakit kinulang ang suplay ng tubig ng Manila Water?

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 12, 2019 08:05 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bukod sa tagtuyot, isa sa mga dahilan ng kakulangan sa suplay ng tubig ng Manila Water ang mga naantalang proyekto na dapat sana ay makatutulong sa pagdami ng suplay, ayon sa water concessionaire.

Ayon sa Manila Water, wala sanang problema sa suplay ng tubig kung nagawa ang Kaliwa Dam at napatakbo ang Cardona treatment plant, na dapat ay kukuha ng tubig sa Laguna Lake.

Dahil sa mga naantalang proyekto, napilitan umano ang Manila Water na gamitin ang emergency supply mula sa La mesa Dam, na ngayon ay umabot na sa critical level.

Nagpalala rin umano sa sitwasyon ang nararanasang El Niño phenomenon o matumal na pag-ulan.

ADVERTISEMENT

Ayon sa PAGASA, halos walang pag-ulan na nakikita sa mga susunod na buwan.

"Sa buwan ng Marso, Abril, kakaunti ang inaasahan nating pag-ulan," ani PAGASA senior weather specialist Belle Masallo.

"Usually mga second week or third week ng May maaaring magkaroon tayo ng pag-ulan," dagdag ni Masallo.

Paliwanag pa ng Manila Water, nagsimula ang problema nang mag-anunsiyo sila noong Marso 4 na magkakaroon ng paghina ng water pressure sa Rizal, Pasig City, Marikina at Quezon City.

Pati raw kasi ang mga hindi apektadong lugar ay nag-ipon din ng tubig kaya nawalan na ng tubig ang mga apektadong lugar.

ADVERTISEMENT

Inamin ng Manila Water na hindi nasusunod ang schedule na inanunsiyo nila.

Aayusin ng Manila Water kung paano iaanunsiyo ang mga water interruption.

MAYNILAD, MAGBIBIGAY NG TUBIG

Samantala, inanunsiyo ng Maynilad na hahatian na nila ang Manila Water sa alokasyon ng tubig mula Angat Dam subalit sa Abril pa ito maipapatupad.

"Sa ngayon po kasi hindi pa affected ang Maynilad sa nangyayaring sitwasyon ngayon dahil po normal naman po 'yong alokasyon ng tubig mula sa Angat Dam," ani Maynilad Water Supply Operations Head Ronald Padua.

"Hindi po namin nakikita na maapektuhan 'yong aming customers," ani Padua.

ADVERTISEMENT

Nasa 50 milyong litro o 250,000 na drum ng tubig kada araw ang planong ibigay ng Maynilad, na siyang babayaran naman sa kanila ng Manila Water. Kaya umano nitong magsuplay sa 50,000 kabahayan sa loob ng isang araw.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.