100 anyos na lola, nagpositibo sa COVID-19 sa Iloilo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

100 anyos na lola, nagpositibo sa COVID-19 sa Iloilo

100 anyos na lola, nagpositibo sa COVID-19 sa Iloilo

ABS-CBN News

Clipboard

Nagpositibo sa COVID-19 ang isang 100-anyos na lola sa bayan ng Tigbauan, Iloilo.

Ayon kay Dr. Josefa Monserate, municipal health officer, dinala sa ospital ang lola matapos sumama ang pakiramdam at umuubo.

Pebrero 9 nang isinailalim ang matanda sa swab test, at lumabas na positibo siya sa virus.

Napag-alamang ang kasama lang ng lola ay ang kaniyang 3 apo.

ADVERTISEMENT

Isinailalim din sa swab test ang isa niyang apo na nagtatrabaho sa munisipyo ng Tigbauan pagkatapos makitaan ng mga sintomas ng COVID-19.

Nasa quarantine facility na ng bayan ang 3 apo at nasa ospital naman ang lola.

Siya ang naitala na pinakamatandang nagka-COVID sa nasabing bayan. -- Ulat ni Rolen Escaniel

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.