Kaso laban sa lolong nagnakaw umano ng mangga sa Pangasinan, ibinasura | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kaso laban sa lolong nagnakaw umano ng mangga sa Pangasinan, ibinasura

ABS-CBN News
Published Feb 08, 2022 03:14 PM PHT

MANILA - Ibinasura ng isang korte sa Pangasinan ang kaso laban kay Nardo Flores, ang 83-anyos na lolo na dating inaresto dahil sa pagnanakaw umano ng mga mangga mula sa puno sa kanilang lugar.

"Dismissed na po yung kaso ni lolo," ayon sa abogado ni Flores na si Atty. James Fernandez ngayong Martes.

Kuwento ni Fernandez, nangyari ito matapos humingi ng paumanhin ang lolo sa naghain ng reklamo laban sa kanya.

"Humingi ng paumanhin si lolo sa complainant, and then malugod naman na tinanggap ng complainant yung pagso-sorry ni lolo," ayon sa abogado.

"With the execution of the affidavit of desistance praying for the dismissal of this case, and the court granted naman yung prayer namin," dagdag pa niya.

The theft case against 83-year-old Nardo Flores, who allegedly stole kilos of mangoes from his neighbor in Pangasinan, has been dismissed by the Municipal Circuit Trial Court of Asingan-San Manuel, accdng to Flores' lawyer, Atty. James Fernandez @DZMMTeleRadyo @ABSCBNNews pic.twitter.com/e0gGJErOgR
— Arra Perez (@arraperezDZMM) February 8, 2022

Tikom naman ang bibig ni Atty. Deo Navarro, ang abogado ng nagreklamong si Robert Hong, nang hingan ng media ng pahayag ukol sa desisyon ng korte.

Nangyari ang pamimitas ng mangga ni Flores noong ika-25 ng Abril 2021.

Batay sa rekord ng pulis sa kaso, nasa anim na kaing o mahigit 100 kilo ng mangga umano ang pinapitas sa punong pag-aari raw ng kapitbahay. Pero sinabi ni Flores na siya umano ang nagtanim ng puno at binakuran lang ng nagreklamo.

Ayon sa pulis, hindi nagkasundo ang lolo at ang kapitbahay sa barangay, kaya nauwi sa pormal na pagsasampa ng reklamo. Nasa P10,000 kasi ang hinihinging danyos ng complainant, pero P600 lang umano ang handang bayaran ni Flores.

Matapos lumabas ang balita tungkol sa kanyang pagkakaaresto noong nakaraang buwan, bumuhos ang tulong para kay Flores hanggang nabayaran niya ang P6,000 piyansang itinakda ng korte para sa pansamantala niyang paglaya.

- may ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News
KAUGNAY NA VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT