6 sugatan sa salpukan ng SUV, tricycle sa GenSan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

6 sugatan sa salpukan ng SUV, tricycle sa GenSan

6 sugatan sa salpukan ng SUV, tricycle sa GenSan

Jay Dayupay,

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha ni Bayan Patroller Bong Cañadilla

GENERAL SANTOS CITY - Anim ang sugatan matapos sumalpok ang isang SUV sa isang tricycle sa national highway sa Barangay Baluan dito sa siyudad nitong Martes.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property and physical injuries ang driver ng SUV na si Renante Otoy na tumangging magbigay ng pahayag.

Kuwento ng tricycle driver na si Daniel Gonzales, binabaybay niya ang highway at paliko na sana ito sa Purok Pagkakaisa nang sumalpok ang isang SUV sa likuran ng tricycle.

“Galing ako sa outer lane at dahil liliko na ako sa barangay hall, pumasok ako sa outer lane at nang paliko na ako, naramdaman ko na lang na binangga na kami," ani Gonzales.

ADVERTISEMENT

Sa tindi ng impact, gumulong pa ang tricycle ng isang beses habang nasa loob ng sasakyan ang anim na pasahero. Agad isinugod sa ospital ang mga biktima kabilang ang driver.

Desidido umano ang mga pasahero na magsampa ng reklamo laban sa driver ng SUV.

“Hindi talaga namin nabantayan, ang lakas kasi ng pagkabangga. Sana tulungan kami ng driver dito sa ospital kasi hirap kami sa gastos," ani Aillen Saya, isa sa mga pasaherong sugatan.

Sa imbestigasyon ng GenSan Traffic Management Unit (TMU) tiyempong patawid na sa kabilang lane ang tricycle kaya nasapul ng SUV ang likuran nito.

“Tayong mga driver dapat magbantay-bantay talaga tayo sa kalsada kasi hindi lang tayo ang nagmamaneho. Ingat-ingat tayo tulad nito, may aksidente na naman, kaninang umaga may na-aksidente din sa Baluan highway, dalawa ang patay. Ito anim ang sugatan," ani PO2 Limuel Aves, imbestigador ng GenSan TMU.

Sa tala ng GenSan TMU, umabot sa 13 ang aksidente sa siyudad nitong Martes at ang pinakamadugo ay ang pagkamatay ng 2 driver ng motorsiklo na nagsalpukan umaga ng araw na iyon.

Anim na ang namatay sa mga disgrasya sa kalsada sa GenSan ngayong 2018 habang 68 naman ang namatay noong kabuuan ng 2017.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.