‘Failon Ngayon’: Campus journalism | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Failon Ngayon’: Campus journalism

‘Failon Ngayon’: Campus journalism

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Buong-buong boses. Dumadagundong na sound effects. Malinis na pagbabalita. Aakalain mong mga beterano na sila sa industriya. Pero ang mga tao sa likod ng mga boses na ito, estudyante pa pala. Sila ay mga senior high school students ng Eastern Samar Comprehensive High School.

Sila nga ay sikat ngayon matapos mag-viral ang kanilang video habang nagpa-praktis para sa radio broadcasting competition para sa Regional School Press Conference ng DepEd. Na-olats man sila sa nasabing patimpalak, feeling proud pa rin sila sa nangyari.

Ang journalism at broadcasting ay nagiging patok na kurso na nga para sa mga mag-aaral. Hindi man ito de-tituladong trabaho, ang mga karanasang tatahakin sa mundong ito ang nagpapa-excite naman daw sa mga estudyante.

Kaya nga sa K to 12 program ng Department of Education ay may media strand na sa senior high. Bukod sa mga leksyon sa silid-aralan nariyan din ang iba’t ibang extra-curricular activities na pwedeng lahukan ng mga estudyante gaya ng pagpapatakbo ng sariling school newspaper.

ADVERTISEMENT

Ipinanglalaban din ito sa taunang DepEd Schools Press Conference para sa mga pampubliko at pribadong elementary at high school. Alinsunod nga sa Republic Act 7079 o mas kilala bilang Campus Journalism Act of 1991.

Muling nagtipon-tipon sa Lingayen, Pangasinan, ang higit 200 mag-aaral mula sa buong bansa para sa 2019 edition ng National Schools Press Conference. Iba’t ibang kategorya ang paglalabanan mula sa individual at group category sa wikang Ingles at Filipino. Kaya naman todo ang preparasyon ng mga teacher para sa kanilang mga pambato. Tulad ni Ma’am Rhia Cabangal ng Dadiangas West Elementary School sa General Santos City.

Lumuwas naman ang buong pamilya Prieto ng Davao para suportahan ang anak na si Jessica Sandi Prieto na lalaban sa editorial writing sa Filipino. Pangako nila sa anak na kung mananalo ito ay dadalhin nila ito ng South Korea bilang premyo.

Pero may mga representante rin ng mga eskwelahan na talagang dumaan pa sa butas ng karayom bago makarating sa Pangasinan. Wala raw kasing pondo ang eskwelahan nina Ma’am Maria Jasmin Delmonte para makalipad sila mula Borongan, Eastern Samar. Kwento ni Ma’am Jasmin: “Naghahanap talaga kami ng pera kung saan kami kukuha kasi ’yun talaga ang problema namin, ’yung financial. Gumawa ako ng solicitations, pinamigay namin bawat bahay du’n sa community namin kasi nga first time manalo. Natakot ako na parang napressure din ako kasi mga English speaking. Natakot din ako kasi paano ’yung amin waray na waray pero sinabi ko sa mga bata na basta gawin niyo ang best niyo at sundin niyo ang puso niyo walang magiging problema. Proud na proud ang school namin sa kanila.”

Kahit solo flight, masaya ang Grade 6 student na si Fiona Bianca Vergara dahil nakatuntong ito sa national level ng kompetisyon. Imbes na cartoons, ang panunuod ng balita ang nakahiligan ni Fiona. Wala mang premyong salapi sa kompetisyon, ang maiuwi ang medalya at tropeo sa kanilang mga eskwelahan ay sapat na raw sa mga estudyante at gurong nagsakripisyo.

ADVERTISEMENT

Maganda nga raw training ground ang NSPC, dahil ang ABS-CBN News reporter na si Jacque Manabat dito rin nagsimula. Para sa Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas, mahalaga na sa murang edad pa lamang ay nahahasa na ang kakayanan sa responsableng pamamahayag.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, hindi man nila namomonitor ang mga batang tumutuloy bilang mamamahayag, umaasa siya na malayo ang mararating sa TV, radio at print industry ng mga produkto ng NSPC. “I hope that big media institution will see this way in which they can look out for promising writers, idealistic and competent. Kung ang media institution also observed and look out for talents kasi may mga media institutions that give out scholarships. Let’s start with these learners who win in this contest. Magandang papasok na media institutions dito the way schools in sports seek out potential athlete at sana pagka-interesan din ang contest na ito na mag-aral to pursue journalism.”

Para kay Fiona, pagbubutihan muna nila ang kanilang ginagawa ngayon, para maging magaling na mamahayag pagdating ng panahon: “Chase your dream so OK lang po kung manalo or matalo learn from failure than success.”
___

Abangan ang mga isyung lahat tayo may pakialam sa FAILON NGAYON tuwing Sabado pagkatapos ng “PBB Otso” alas-11 ng gabi sa ABS-CBN.

Mapapanood ang replay ng FAILON NGAYON sa ANC tuwing Linggo, alas-2 ng hapon.

Mag-kumento at ipahayag ang inyong saloobin sa aming official Facebook pages, http://www.facebook.com/failon.ngayon.fanpage.

I-follow din ang Failon Ngayon sa aming official Twitter account sa http://www.twitter.com/Failon_Ngayon o @Failon_Ngayon at gamitin ang hashtag na #FailonNgayon.

Maaari ding mapanood ang ibang segments at episodes ng Failon Ngayon sa Youtube at iwant! Bisitahin lamang ang www.youtube.com/abscbnnews at ang www.iwant.ph

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.