ALAMIN: Bakit mapula ang 'blood moon'? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Bakit mapula ang 'blood moon'?
ALAMIN: Bakit mapula ang 'blood moon'?
ABS-CBN News
Published Jan 31, 2018 07:02 PM PHT

Ayon sa isang eksperto, may kinalaman ang himpapawid o atmosphere sa kulay ng "blood moon."

Sa panayam sa DZMM, ipinaliwanag ni Prop. Edmund Rosales, dating taga-pangulo ng Philippine Astronomical Society, ang pamumula ng buwan.

"Doon sa umbra, sa darkest part ng anino ng buwan, doon siya magpupula. Dapat ang ine-expect natin mas madilim, bakit siya magpupula? Kasi may tinatawag tayong atmosphere. Ang atmosphere ng earth na 'yun ang siyang dadaanan ng araw," ani Rosales.

"Kung mapapansin natin kapag sunset, mapula lagi. 'Yun. 'Pag dumaan ang araw, 'yung gilid ng earth, 'yung pinakagilid ng earth, dadaan ngayon doon 'yung sunlight pa rin, so magkakaroon ng tinatawag nating refraction. So ang matitirang liwanag ng araw na pula, magkakaroon ng bending 'yun, papasok ngayon doon sa pinakaitim na anino, so siya 'yung dahilan kung bakit magkakaroon ng mapulang buwan," dagdag pa niya.

Bagama't walang direktang kaugnayan ang pag-aalboroto ng Bulkang Mayon sa pagkakaroon ng lunar eclipse, maari umanong makaapekto sa kulay ng buwan ang mga dust particles na ibinuga ng bulkan.

Kung mas maraming dust particles sa himpapawid, maaring maging mas madilim ang buwan. Magiging mas mapusyaw naman ang kulay nito kung mas kakaunti ang dust particles.

Miyerkoles ng gabi inaasahang makita ang tinatawag na "super blue blood moon," o ang sabay-sabay na supermoon, blue moon at blood moon.

Tinatawag na supermoon ang kabilugan ng buwan na mas malaki at mas maliwanag kaysa sa normal na full moon.

Blue moon naman ang tawag sa ikalawang full moon sa isang buwan, habang blood moon ang pansamantalang pamumula ng buwan tuwing may total lunar eclipse.

Ayon kay Rosales, tatagal nang mahigit isang oras ang pagbabago ng hitsura ng buwan hanggang sa maging "super blue blood moon" ito.

Makikita ito sa pagitan ng ikawalo hanggang ika-sampu ng gabi.

Huling namataan ang penomenong ito sa Pilipinas noong 1982.