Medical waste ng laboratoryo sa Catanduanes itinapon sa tabi ng dagat | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Medical waste ng laboratoryo sa Catanduanes itinapon sa tabi ng dagat

ABS-CBN News
Published Jan 24, 2022 05:46 PM PHT
|
Updated Jan 26, 2022 03:34 PM PHT

(UPDATE) Natagpuan nitong Linggo sa tabi ng dagat sa isang barangay sa Virac, Catanduanes ang mga medical waste katulad ng mga syringe, blood collection tube, test kit, used glove, face mask at PPE.

Ayon sa chairman ng Brgy. Concepcion na si Anthony Arcilla, isa sa mga barangay kagawad nila ang nagpaabot sa kanya ng impormasyon.

"Around 5 p.m. kahapon, nag-report 'yung kagawad ko na may mga itinapon ngang medical wastes dun sa baybayin. May mga bata nga, nilalaro na 'yung syringe ng laboratoryo. Kaya naalarma yung mga residente," ani Arcilla ngayong Lunes.

Sa imbestigasyon na isinagawa ng barangay, galing umano sa isang medical laboratory sa kanilang bayan ang mga itinapong medical waste.

"Kinalkal namin 'yung medical waste at nakita naming may mga pangalan pa dun ng mga nagpa-test. And may isa dun na nakita naming urine container na kilala ko 'yung nakapangalan, and tinanong ko siya kung saan siya nagpa-laboratory. Kaya yun, na-confirm namin na galing ang medical wastes sa isang private medical laboratory dito sa Virac na medyo malapit lang sa amin," ani Arcilla.

Ngayong Lunes ng umaga, personal na pumunta sa barangay hall ang mismong pamunuan ng medical laboratory at humingi ng paumanhin. Nagkamali umano ng ibinigay na basura ang isa sa kanilang staff sa barangay na pinakisuyuan nilang magtapon ng basura.

"Nagkaroon daw ng switching. Bale, instead na ibasura 'yung mga papel, 'yung basura na laman daw 'yung mga medical waste ang naiabot dun sa solid waste management officer o street sweeper ng isang barangay na pinakisuyuan nilang magtapon ng basura," sabi ni Arcilla.

Sa kabila ng paghingi ng dispensa, desidido ang barangay council ng Concepcion na sampahan ng pormal na reklamo ang medical laboratory.

"Kasi dapat responsable and aware sila pagdating sa proper disposal of wastes, lalo na ang mga medical waste kasi may negatibong epekto 'yan sa health ng community," ani Arcilla.

Naipaabot na rin umano ng barangay ang nasabing reklamo sa sanitary at health officer ng Virac LGU at ng Department of Environment and Natural Resources.

— Ulat ni Karren Canon
KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT