Lalaki patay matapos tumalon sa Ilog Pasig para maligo | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki patay matapos tumalon sa Ilog Pasig para maligo

ABS-CBN News
Published Jan 12, 2024 09:10 PM PHT

Patay nang maiahon sa Pasig River ang isang lalaking tumalon mula sa Binondo Bridge para lumangoy, Huwebes nang gabi.

Kinilala ang biktima na si Jonathan Pava, trabahador ng construction site sa tulay.

Kuwento ng kaanak, nag-iinuman sila nang mag-ayang lumangoy sa ilog ang biktima.

Pinigilan umano nila si Pava pero nagpumiglas ito at tumalon pa rin sa ilog.

ADVERTISEMENT
Nakaahon pa umano sa una ang biktima, pero lumubog na siya sa pangatlong paglundag.

Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, bukod sa epekto ng alak, posibleng natangay pailalim sa ilog ang biktima.

Paalala ng mga awtoridad sa publiko na bawal maligo sa Ilog Pasig dahil mapanganib.

-- Ulat ni Karen De Guzman, ABS-CBN News