'Tao Po': Pamana ni food historian Atching Lillian Borromeo sa makabagong henerasyon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Tao Po': Pamana ni food historian Atching Lillian Borromeo sa makabagong henerasyon
ABS-CBN News
Published Jun 05, 2025 11:27 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Kilala ang Pampanga bilang tahanan ng iba't-ibang putahe at nananahan dito ang food historian at tinaguriang "Guardian of Kapampangan Heirloom Recipes" na si Atching Lillian Borromeo.

Sa loob ng limang dekada, tuloy-tuloy pa rin si Atching Lillian sa kaniyang adbokasiya na ipamana ang kaniyang talento sa pagluluto.

Dinarayo ng maraming estudyante mula sa iba't-ibang rehiyon sa bansa si Atching Lillian para matuto ng kaniyang mga "technique" sa pagluluto at paano iaangat ang lasa ng mga simpleng putahe.

"Dito nag-eenjoy ako eh. Parang bata ‘yung kausap ko, shine-share mo ‘yung alam mo. ‘Yung konting alam mo. Na-appreciate naman nila kasi kita naman niyo maraming pumupunta," ani ni Atching Lillian.

Sa kabila ng mga natamong parangal, ang pagtuturo ang nakita ni Atching Lillian na paraan para manatili at mag-iwan ng legacy para sa mga "makabagong chef."

"Tuturuan ko tapos gagayahin nila tapos patitikim sa akin, susubukan nila. Siyempre masayang-masaya na ako no’n dahil nakuha nila eh. Pero ‘pag ‘di naman nila nakuha, magsa-suggest naman ako. Pero malambing ang boses ko, baka hindi na sila magluto uli," saad ni Atching Lillian nang tanungin sa kaniyang hindi malilimutan na kasanayan bilang food historian.

Ang pagtuturo sa mga bata ang nakitang paraan ni Atching Lillian para ipadama ang kaniyang pagmamahal, hindi lamang sa pagluluto kung hindi na rin sa kaniyang mga estudyante.

"Kapag nagustuhan mo, masarap siya, gayahin mo para hindi namamatay at i-share mo 'yung recipe. Alam mo ‘wag mong ipagkait, ‘wag ka maging selfish. Tinuro mo, hanggang wala ka na, and’yan ka pa sa mundo, ‘yung sinasabi nila 'Uy galing ‘yan kay Atching Lillian” oh ‘di ba masarap pakinggan, nasa langit ka na, nand’yan ka pa," dagdag ni Atching Lilian.

-- Ulat ni Bernadette Sembrano para sa programang Tao Po. (May 18, 2025)
Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito.