'My Puhunan: Kaya Mo!: Halo-halo sa Cavite, mala-'higante' ang laki | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'My Puhunan: Kaya Mo!: Halo-halo sa Cavite, mala-'higante' ang laki

ABS-CBN News Intern,

Katherine Claire D. Hababag

Clipboard

Gumagawa ng ingay ngayon ang isang negosyante sa Dasmariñas, Cavite dahil sa ibinebenta niyang halo-halo.
Gumagawa ng ingay ngayon ang isang negosyante sa Dasmariñas, Cavite dahil sa ibinebenta niyang halo-halo.

Hindi lang kasi ito ang tipikal na halo-halo na nakagisnan natin.

Ang sukat lang naman kasi nito, doble sa laki ng ordinaryong halo-halo.

Ito ang naging pakulo ni Jayson Pascual nang simulan ang negosyo noong kasagsagan ng pandemya gamit ang P3,000 puhunan.

"Noong panahon ng pandemic wala kaming mga trabaho, pagkakitaan tapos sinimulan namin sa tuhog-tuhog. Nagsimula kami sa fishball, kikiam, hanggang sa nakaipon kami. Naipatayo na rin namin itong halo-halo." pagbabahagi niya kay Migs Bustos para sa programang “My Puhunan: Kaya Mo!”.

ADVERTISEMENT

Dinamihan ni Jayson ang rekados na inilalagay niya sa kaniyang halo-halo na mabibili sa halagang P180.00

"Dati meron na po talaga kaming halo-halo na ordinary lang yung crashed ice lang talaga. Para maiba naman nag-try kami ng giant para mga sharing din, mga tropa barkada." ani Jayson.

Malaki ang pasasalamat niya sa unti-unting paglago ng kaniyang negosyo.

Nanggaling umano siya sa samu’t saring pagsubok lalo na nang maranasan nila na ma-scam.

“Nangyari po ‘yun sa amin mga tatlong beses. Nagiging maingat na lang po kami sa mga order namin online. Tinitingnan po muna namin yung address nila kung legit ba, mga ganu’n, bago namin sila deliveran kasi mahirap kitain ang pera kung lagi kami nai-scam ng mga customer,” dagdag niya.

Tara na’t matutong kumita sa negosyo sa halo-halo ngayong tag-init dito lang sa “My Puhunan: Kaya Mo!’ kasama si Migs Bustos.




ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.