'My Puhunan: Kaya Mo!': Siga sa Tondo noon, asensado sa negosyong paresan ngayon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'My Puhunan: Kaya Mo!': Siga sa Tondo noon, asensado sa negosyong paresan ngayon

ABS-CBN News Intern,

Miguel Angel B. Gonzales

Clipboard



Halos limang taon nang pinatatakbo ni Calleb John “Puroy” Capsa ang isang paresan sa Hermosa, Tondo, Maynila.

Bagama’t madami nang nagnenegosyo nito sa kanilang lugar, hindi siya nagdalawang-isip na sugalan ito gamit lamang ang P2,000 puhunan.

“Kapag sinabi mong pares alam na kaagad na ‘yan ‘yung pares eh. May kasamang kanin, sabaw, kumpleto na,” pagbabahagi niya kay Migs Bustos para sa programang “My Puhunan: Kaya Mo!”.

Malaki ang pasasalamat ni Puroy sa kaniyang negosyo dahil ito ang nagbigay-daan para siya ay unti-unting magbago.

ADVERTISEMENT

Nakilala siya sa kanilang lugar bilang siga at madalas na magpabalik-balik sa loob ng bilangguan.

“Nung kabataan ko po Sir medyo magulo po. Naging mapusok, naging basagulero rin po, naging pasaway talaga. Nakulong na rin po tayo ng ilang beses. Hanggang ito po, huling kulong ko po noong 2019. Na-involve po ako sa illegal na droga tapos lumaya ako. Isang taon po akong nakulong nu’n,” pagdedetalye niya.

Natauhan si Puroy nang dahil sa kaniyang pamilya kung saan naisip niya baka dumaan ang oras na iwan na siya ng mga ito kung hindi siya magbabago.

“Lumaya ako. Nagsimula na po na talagang as in lahat tinigil ko. Ultimo bisyong sigarilyo, alak. Lahat po ‘yun hininto ko. Tsaka diniretso ko na ‘yung buhay ko. ‘Pag ako ‘di pa ko nagtino paglaya ko, baka tuluyan akong iwan ng pamilya ko. Hayan, nagtinda ako ng pares,” dagdag niya.

Ipinangalan ni Puroy ang kaniyang negosyong paresan sa kaniyang anak na lalaki.

ADVERTISEMENT

Dahil malakas ang kitaan ng kaniyang paresan, nagbukas na rin siya ng computer shop na kumita lang naman ng P90,000 sa unang buwan nito.

“Sa negosyo naman na ‘to Sir hindi rin naman din hinahangad na kumita ng malaki. Ang gusto ko lang ‘yung may kitain para sa pamilya at makatulong na rin sa mga kasama ko,” ani Puroy.

Panoorin ang kaniyang buong kuwento sa 'My Puhunan: Kaya Mo!' kasama si Migs Bustos.



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.