VIRAL: Gay beauty queen inaalay sa ama ang mga korona | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
VIRAL: Gay beauty queen inaalay sa ama ang mga korona
ABS-CBN News
Published Jul 04, 2024 05:40 PM PHT

MAYNILA — Nag-viral sa TikTok ang video ni Mark Christian Ramos, na kilala sa mga gay beauty pageants bilang Violet Huelar, kung saan masasaksihan ang pag-aalay niya ng kanyang korona sa ama na si Joselito Pacheca Ramos.

Ang post na ito ay nakakuha na ng mahigit 6 milyong views at 1 milyong likes sa TikTok.

Ayon kay Bayan Patroller Violet, 2021 nang una siyang sumali sa isang pageant kung saan nanalo siya bilang Real Gay Queen. Makabuluhan ang patimpalak na ito dahil dito rin unang beses na dumalo ang kanyang ama sa pageant na sinalihan niya.

Simula noon, naging tradisyon na ni Bayan Patroller Violet na ipasa ang korona sa kanyang ama at magbigay ng halik, tulad ng makikita sa video.

Ayon kay Violet, nakasali na siya sa mahigit 30 pageants mula 2021 at sa lahat ng mga ito ay naroon ang kanyang ama para magbigay ng suporta at saksihan ang kanyang mga tagumpay.

Ayon naman sa ama ni patroller na si Joselito, masaya siyang magkaroon ng anak na tulad ni Violet.

"Kailangan siyempre buo ang suporta sa anak ko. Dahil wala naman silang ginagawang masama at hindi sila dapat i-discriminate sa ating lipunan," pagtatapos ni Joselito. — Ulat ni Mai Tanaka, BMPM intern

Read More:
Pride
LGBTQIA+
Violet
LGBT
pageant
beauty pageant
Mark Christian Ramos
Violet Huelar
good vibes
BMPM
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT