Pistang Pinoy 2024 idadaos sa Busan, South Korea | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pistang Pinoy 2024 idadaos sa Busan, South Korea

Pistang Pinoy 2024 idadaos sa Busan, South Korea

Annalyn Mabini,

TFC News,

South Korea

Clipboard

SOUTH KOREA — Inaanyayahan ang mga Pilipino sa Korea na makilahok sa Pistang Pinoy 2024 na gaganapin sa Busan City sa June 9. 

 

Kaalinsabay ito ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, at Pambansang Araw ng Migranteng Manggagawa. Ayon pa sa embahada, ito ang kauna-unahang pagkakataong gaganapin ang nasabing event sa Busan City, sa outdoor plaza ng Busan Eurasia Platform.

 

Magtatanghal sa event ang ilang mang-aawit na Pinoy. Paggunita rin ito sa ika-75 taon ng diplomatikong relasyon ng Republika ng Pilipinas at ng Republika ng Korea. 

 

Magkakaroon ng makulay at masayang Parada ng Pistang Pinoy na lalahukan ng iba’t-ibang grupo mula sa Filipino community. 

ADVERTISEMENT

 

Hinihikayat ang mga kababayan na magsuot ng tradisyunal na kasuotang Pilipino kung saan pipiliin ang Best in Philippine Festival Parade. Sa mga gustong sumali sa parada, maaaring magparehistro online. 

 

May tagisan din ng galing sa pag-awit sa "OFW Got Talent" na bukas para sa mga OFW sa Korea, professional man o amateur na mang-aawit. Puwedeng lumahok ang solo, duo/ trio o 3-member band. I-click ang link na ito para sa detalye.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.