TINGNAN: Paper quilling art na bonding activity ng mag-iina | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Paper quilling art na bonding activity ng mag-iina
ABS-CBN News
Published Apr 15, 2024 06:11 PM PHT

MAYNILA — Magiliw na ibinahagi ni Bayan Patroller Mennen Regaldo ang kanyang paper quilling artworks na pinagkakaabalahan niya kasabay ng pag-aalaga sa dalawang anak.

Mula kay Mennen RegaldoPaliwanag ni Mennen, ang paper quilling ay isang uri ng art na ginagamitan ng strip na papel na nirorolyo, hinuhugis, at dinidikit sa isa't isa upang makabuo ng disenyo.

Para lumikha ng paper quill, gumugupit si Mennen ng papel na may diretsong sukat at hinuhulma ito base sa kailangan na hugis ng kaniyang obra.

Kwento niya, ang kaniyang mga anak ang gumuguhit ng disenyo habang siya naman ang naglalapat ng papel sa disenyo para makabuo ng paper quill.

Mula kay Mennen RegaldoKwento niya, ayaw niyang mag-aksaya ng oras kaya tuwing wala siyang ginagawa ay paper quilling ang kanyang nagsisilbing libangan kasama ang kaniyang mga anak. Ito na rin ang nagsisilbing bonding activity nilang mag-iina.

Saad pa ni Mennen, natuto siya nito dahil sa panonood ng tutorial videos sa social media at dahil dito ay nagiging magaan ang kanyang pakiramdam at feeling productive siya tuwing makatatapos ng isang artwork. Araw-araw ay binibigyan niya ng pagsubok ang kaniyang sarili na i-level up ang kanyang mga obra.

Mula kay Mennen RegaldoAniya, pagkatapos gawin ang kaniyang paper quilling artwork ay ginagawa niya itong dekorasyon sa bago nilang bahay. — Lia Lapuz, BMPM intern

ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT