PANOORIN: Aliw na COVID-19 health protocol announcement sa Ilocos Norte | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Aliw na COVID-19 health protocol announcement sa Ilocos Norte

PANOORIN: Aliw na COVID-19 health protocol announcement sa Ilocos Norte

ABS-CBN News

Clipboard

Video mula kay Reiner Jan Calumpit.

Gabi-gabing napapatawa si Bayan Patroller Reiner Jan Calumpit mula sa Barangay 10 Parparoroc, Vintar, Ilocos Norte dahil sa nakaaaliw na paraan ng pag-anunsyo ng curfew at COVID-19 health protocols sa kanilang komunidad.

Isang grupo ng LGBT volunteers sa kanilang lugar ang sumasama sa ronda, at sila ang nagdadala ng good vibes habang binibitiwan ang mga paalala sa mga residente.

"Manatili lang po sa loob ng bahay dahil naniniwala ako sa kasabihang ang kagandahan, wala sa panlabas kundi nasa loob," sabi ni Mike Habab isang gabi habang nagpapaalalang simula na ng curfew sa kanilang lugar.

Si Habab ang Secretary sa barangay na siya ring may pakulo sa gimik.

ADVERTISEMENT

Kwento niya, naisipan niya at mga kaibigang miyembro ng LGBT community, na kung tawagin ay ‘Patrol Girls ng Parparoroc’, na tulungan ang mga barangay tanod sa kanilang trabaho.

Aniya, ipinaalam niya ito sa kanilang barangay chairman at pinayagan naman silang gawin ito. Katunayan, ang sasakyang kanilang ginagamit ay pahiram pa ng barangay.

Sinimulan nila ang inisyatiba nitong Agosto 16 at gabi-gabi nilang iniikot ang buong barangay ng halos 30 hanggang 40 minuto.

“Sana ituloy-tuloy nila especially ngayon na ang dami nating pinagdadaanan... Humahanga ako sa kanila,” sabi ni Calumpit.

Nagpapasalamat si Habab sa mga positibong komento na kanilang nakukuha sa publiko.

ADVERTISEMENT

“Overwhelmed kami. At least, 'yung ginagawa namin ay na-appreciate nila and tuwang-tuwa sila,” aniya.

Paalala niya na sana lahat ng kanilang mga binabanggit na babala at anunsyo ay sundin ng mga ka-barangay.

“Sumunod po tayo sa mga protocols na sinasabi po ng gobyerno para kahit paano ay 'yung pag-spread ng virus ay matapos [na].”

— Ulat ni Cielo Gonzales, Bayan Mo, i-Patrol Mo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.