'Pantawid ng Pag-ibig': Gamot, pagkain hatid sa sitio sa Norzagaray, Bulacan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Pantawid ng Pag-ibig': Gamot, pagkain hatid sa sitio sa Norzagaray, Bulacan

'Pantawid ng Pag-ibig': Gamot, pagkain hatid sa sitio sa Norzagaray, Bulacan

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 20, 2020 12:03 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Ilang buwan nang walang sahod ang forest guard na si Renato Coranez dahil sa lockdown.

Sa kabila nito, umiiral pa rin ang tawag ng serbisyo na mabantayan ang kalikasan.

"Ang binabantayan namin ay nasa 2,600 hectares. Kung masisira ang gubat, eh baka tubig naman ang mawala. Milyon-milyon ang umaasa sa tubig,” ani Coranez.

Ang barangay volunteer na si Genobeva Wensislao, kahit na may pangamba sa COVID-19, patuloy ang pagbabahay-bahay para kumustahin ang kalusugan ng mga residente ng Sitio Sapang Munti.

ADVERTISEMENT

Wala na raw siyang natatanggap na allowance sa barangay kaya’t sariling pera ang kaniyang ginagamit para ipagpatuloy ang tungkulin.

"Napapagod ako sa kalalakad sa kabundukan, ako ang nagsho-shoulder ng pamasahe. Ginagawa ko ho ang lahat ng gampanin. Para lang ho bang masarap isipin na nakatulong ka sa kapwa mo kahit na gaganito-ganito," ani Wensislao.

Wala namang trabaho ang residenteng si Melody Santiago na mag-isang itinataguyod ang 5 anak matapos pumanaw ang mister noong Abril sa sakit sa atay.

"'Yung may mga sakit lang na COVID ang tinatanggap sa hospital Binalik na lang ho sa bahay tapos dun na po siya inabot ng sakit niya. Masakit po sa akin na mawalan ang aking anak ng isang ama," ani Santiago.


Doble-dagok naman para sa pamilya Burgas ang kalagayan ng 5 anyos at bunsong anak na si Narian.

ADVERTISEMENT

Aksidente niyang natusok ang lapis sa kaniyang kaliwang mata habang nagdo-drawing nang walang kuryente.

Sa laki ng pinsala, kailangan itong maoperahan.

Nananawagan ng tulong ang kaniyang pamilya na tanging pagtitinda lang ng gulay ang hanapbuhay.

"Gawa ng kapos sa pera, hindi agad nakapunta sa ospital.Nakahiram ako ng pera, kinabukasan na kami bumalik sa ospital. Masaya po ako kasi sabi papasok daw ang ABS-CBN. Sabi ko baka sakali ako ay matulungan," ani Matias Burgas, ina ni Marian.


Apat na ilog ang kailangang tawirin at mahabang lakaran ang inaabot bago makarating sa Sitio Sapang Munti.

ADVERTISEMENT

Sakay ng bangka, itinawid ng "Pantawid ng Pag-Ibig" ng ABS-CBN ang mga bigas, de-lata, at gamot para sa 116 na pamilyang Dumagat.

"Nagpapasalamat ho ako. Malaking tulong ho sa aming mag-iina," ani Santiago.

Malaking tulong ito ayon kay Wensislao lalo’t kinakapos minsan ng gamot ang pinagtatrabahuan niyang health center.

“Napakalaking tulong ho sa amin dahil nauubusan rin ho kami sa barangay, sa center ho namin, laging wala, ubos,” ani Wensislao.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga sumusunod na partner sa proyekto:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

ADVERTISEMENT

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.