Bakit nalalagas ang buhok matapos magdalantao? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bakit nalalagas ang buhok matapos magdalantao?

ABS-CBN News

Clipboard

Para sa 28 anyos na si Dana Lacanlale, ang pagkakaroon ng anak ay isang kayamanang hindi matutumbasan ng kahit ano man.

Subalit matapos manganak, nakaranas umano siya ng postpartum hair loss o iyong labis na pagkalagas ng buhok matapos magsilang ng sanggol.

"Bago ako manganak, ganito lang siya, as in parang kaunti lang talaga, normal lang na sabi nila 100 strands," kuwento ni Lacanlale.

"Pero napansin ko [after], noong naliligo, nagsusuklay ako, hindi na siya ganoon na normal talaga," aniya.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon sa aesthetic and rejuvenation medicine specialist na si Cecilia Catapang, normal sa mga babae na maglagas matapos manganak.

Sa panahon ng pagdadalantao, paliwanag ni Catapang, mas maraming inilalabas ang katawan na estrogen, isang uri ng hormone na siyang nagkokontrol sa hair cycle o iyong paulit-ulit na pagtubo at pagkalagas ng buhok ng isang tao.

"Normally we shed 50 to 100 strands of hair a day, normal 'yon na naglalagas ka. Ngayon mabubuntis ka, kapag nabuntis ka, tataas iyong levels of estrogen mo, 'yong normal na paglalagas ng buhok mo titigil," sabi sa "Salamat Dok" ni Catapang.

"One month after delivery, mataas pa levels of estrogen mo, and then after that, bababa na levels uli ng estrogen mo, so at which point maglalagas ka ng buhok," paliwanag ni Catapang.

Ayon kay Catapang, mistulang nagpapahinga ang paglalagas ng buhok sa panahon ng pagbubuntis kaya tila bumabawi rin lang ito matapos manganak.

ADVERTISEMENT

Aabot umano ng anim na buwan hanggang isang taon bago bumalik sa normal ang hair cycle.

Dagdag pa ni Catapang, hormones din ang dahilan kung bakit nalalagas ang buhok ng isang taong nakararanas ng stress.

"Kasi 'di ba ang stress, nagre-release ng hormones that can affect hair growth as well," aniya.

Nagbabala rin si Catapang laban sa mga chemical-based shampoo na maaari rin daw magdulto ng pagkalagas ng buhok.

"Di 'ba araw-araw ginagamit mo 'yan? Sometimes more often nai-irritate 'yong scalp natin," ani Catapag.

ADVERTISEMENT

Mainam na alternatibo umano rito ang mga natural-based shampoo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.