RECIPE: Dinakdakan ng Ilocos | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Dinakdakan ng Ilocos

RECIPE: Dinakdakan ng Ilocos

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isa sa mga tanyag na putaheng likha sa Ilocos na tiyak na ma-e-enjoy sa mga kainan ay ang dinakdakan.

Bagaman madalas ituring na bersyon ng sisig ng mga Ilokano, mas malalaki ang tipak ng baboy sa dinakdakan, taliwas sa sisig na tila durog-durog na.

Upang simulan ang paggawa sa dinakdakan, ihanda ang mga sumusunod na sangkap:

• 1/4 na kilo ng tenga ng baboy
• 1/4 kilo ng atay ng baboy
• 1 tasang sukang iloko
• 1 tasang mantika
• 1 kutsarang mayonnaise
• 1 kutsaritang asin
• 1/2 kutsaritang paminta
• 2 pirasong luya
• 2 pirasong sibuyas
• 4 pirasong siling labuyo

Unang pakuluan ang tenga ng baboy ng 30 minuto hanggang sa lumambot ito bago hanguin at ihawin ng 10 minuto.

ADVERTISEMENT

Kasabay nito, prituhin ang atay ng baboy hanggang sa maging kulay kayumanggi (brown) ito.

Hiwain nang maliliit ang pinalamabot na tenga ng baboy at pinritong atay. Hiwain din ang siling labuyo, sibuyas, at luya.

Paghalu-haluin ang mga hiniwang sangkap bago samahan ng suka at paminta.

Ilagay sa kawaling mainit at prituhin ng bahagya, karaniwan sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto, bago lagyan at haluan ng panlasang mayonnaise.

Ang orihinal na dinakdakan ay ginagamitan ng utak ng baboy na pampalasa pero maaaring gamiting alternatibo ang mayonnaise.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.