Vice Ganda, ipinaliwanag kina Vhong at Jhong ang napag-usapan nila ni Ma’am Charo | It’s Showtime

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vice Ganda, ipinaliwanag kina Vhong at Jhong ang napag-usapan nila ni Ma’am Charo | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Jun 12, 2025 09:07 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Malaya ka na! Malaya kang tumawa at makipagkulitan with the ‘Showtime’ family ngayong Independence Day. Walang pipigil sa’yo na mag-enjoy lang sa tugtugan na hatid ni Kitchie Nadal. Balik-Pinas ang OPM icon mula Espanya para sa isang show at dahil na-miss ang Pinoy audience niya.

Na-miss din nina Vhong Navarro at Jhong Hilario ang mga ganap sa pagbisita nina Charo Santos at Dingdong Dantes kahapon. Pero nakarating sa kanila ang pagsusumbong ni Vice Ganda tungkol sa madalas daw nilang pag-absent. Kaya nagpaliwanag ang dalawa, at gumanti pa! Si Vice naman ang nilaglag! Siya naman daw itong mas nauuna pang dumating ang wig sa studio. Mabuti na lang, to the rescue si Ion Perez na ipinagtanggol ang kan’yang misis.

Sa mga ‘senior’ guests ng “Step In The Name of Love” nakakahanap ng ka-vibe si Vice Ganda lately. Dahil kung kahapon ay nagkaroon siya ng instant kumare, ngayon naman ay naging ‘tropa’ rin niya si hype bestie Rolly. Muntik pang maging ‘love team’ ang dalawa, buti na lang loyal si Rolly sa asawa.

Katulad ng kan’yang BFF, si matchmate Fer, 68, na siguradong loyal sa magiging jowa kahit malakas ang karisma sa mga babae’t beki. Kuwento ni Rolly, childhood friends sila, magkumare ang mga nanay nila at ilang buwan lang ang pagitan ng kanilang kapanganakan. Ang kanilang duo, package deal parang Vhong Navarro at Jhong Hilario. Noong araw sa disco, sila ang unang napipili na “ka-table” ng mga beki. Gan’yan sila kalupit; lahat nama-magnet!

ADVERTISEMENT

Pero mabait sila sa mga beks at iginagalang nila nang sobra. Kita naman ‘yan kung paano nila igalang si Meme, na tinawag pa ni Rolly na “dalagang seksi.” Biro pa niya, kung may Vice na noong araw, siya sana ang naging Ion Perez. Kinilig si Meme, pero pinatunayang siya raw ay tunay na lalaki!

Aliw rin ang kuwento ni Rolly tungkol sa “kaunting kayabangan” ng kabigan, pati na ang lakas ng boses nito. Pero hindi matatakot ang kababaihan dahil si Fer ay tunay na gentleman. Ang mga babae, sinusuyo niya nang husto at binibigyan ng regalo. Naloka lang si Vice nang i-reveal ni Fer kung ano ang madalas niyang iregalo sa babae–panty!

Never bumababa sina hakbangers Terry, Liz, at Luz. Biro tuloy ni Meme, baka gustong maregaluhan ng panty. Eme! Na-impress lang talaga sila sa mga katangian ni Fer, na kahit may “kayabangan” ay mapag-uusapan naman.

Pero, muntik magkaroon ng ‘digmaan’ ngayong Araw Ng Kalayaan! Si Luz, nalito at muntik pang si Rolly ang maging gusto. Aba, teka! Hindi magdadalawang-isip na sumugod ang misis ni Rolly na si Rosario. “Naliliitan ka ba sa akin?” pagbabanta nito.

Next year ay golden anniversary na nila, at wala raw makakasira sa mga plano niya. Kalmahan mo lang, Mommy! Si Meme ang bahala!

ADVERTISEMENT

Nagpantay-pantay ang puwesto ng tatlong hakbangers dahil ni minsan ay wala ni isa ang bumaba. Pero nang magkaharapan na, may bukod-tanging babaeng naghatid kay Ferng kakaibang kiliti–sparks ba. Unang tinginan pa lang, sina Fer at Luz, agad nagsayawan. Parang Toni Fowler pala ang peg ni Tita Luz–tahimik lang sa umpisa! At ang ending, si Luz ang nag-win!

Winner ang magandang boses at big dreams sa “Tawag Ng Tanghalan Year 9.”

Ang humamon, si Ruby Tecson. “Lason Mong Halik” ang inawit ng Iligan City bet. Ani hurado Nonoy Zuniga, nagustuhan niya ang vocal quality at emotional interpretation ni Ruby. Agree naman si Punong Hurado Louie Ocampo na inilarawan ang performance bilang “simple pero tatak sa puso.”

Hindi naman nagpadaig at ibinandera ni defending champion Jeramae Edquila ang Misamis Oriental sa pagkanta ng “One Moment In Time.” Mayroon itong good stage presence sabi ni hurado Erik Santos, pero payo ni Erik, mas mainam kung nilagyan ni Jeramae ng something new ang piyesang palagi nang naririnig sa mga patimpalak. Dagdag komento ni Sir Louie, tamang-tama lang ang low notes and high notes ni Jeramae.

Si Jeramae ang nagwagi sa score na 93.3%, samantala, 91.7% naman ang gradong nakuha ni Ruby. Isang panalo na lang ang kailangan ni Jeramae para makapasok sa ikatlong koponan.

ADVERTISEMENT

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.