Vice Ganda, nagkaroon ng problema sa damit na suot ni Raven sa Huling Tapatan | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vice Ganda, nagkaroon ng problema sa damit na suot ni Raven sa Huling Tapatan | It’s Showtime

Vice Ganda, nagkaroon ng problema sa damit na suot ni Raven sa Huling Tapatan | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Apr 26, 2025 04:33 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sa huling laban ng "Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak 2025," damang-dama ang gigil manalo ng anim na mang-aawit na kumasa sa hamon ng entablado. 

Nagsimula sa 48 Resbakers, nahati sa apat na pangkat, sa dulo'y anim na lang ang nagharap-harap. At sa araw na 'to, isang tinig ang muling gagawa ng kasaysayan sa tanghalan. 

Para sa matinding salpukan ng mga pinakamahuhusay na mang-aawit, pinakamalalaking OPM icons din ang umupo bilang mga hurado, sa pangununa ni Maestro Louie Ocampo. Kabilang din sa panel of judges sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Pops Fernandez, Marco Sison, Lani Misalucha, Bituin Escalante, Nyoy Volante, at special 2-in-1 guest hurados Stell at Pablo ng SB19.  

May dalawang rounds ang Huling Tapatan. Sa Round 1, inawit ng mga kalahok ang pangmalakasang solo performances. Ang Top 3 contenders ang umabante sa Round 2 featuring medleys of their chosen music icons.  

ADVERTISEMENT

Agad-agad sinimulan ni Ayegee Paredes ang bakbakan ng bosesan, singing “It’s My Turn,” bitbit ang pagmamahal ng anak bilang inspirasyon. Para kay hurado Lani, puso’t kaluluwa ang ipinapakita ni Ayegee sa bawat pagtatanghal.  

Bumagay naman sa vocal quality ni Ian Manibale ang “Sign of the Times” ni Harry Styles. Parang tatay na proud sa anak si hurado Ogie, na sinabing nagniningning si Ian sa TNT stage.  

Bandera ng LGBT community ay itinaas ni Raven Heyres sa pagkanta ng “You Raise Me Up.” Feeling winner agad si Raven nang purihin ni idolong si hurado Regine.  

Lumipad patungo sa kan’yang mga pangarap si Rachel Gabreza, na bumirit ng “I Believe I Can Fly.” Sure si hurado Pops that Rachel will soar higher with her “God-given talent mixed with courage and focus.” 

Napuno ng mahika ang studio nang tumuntong sa entablado si Marko Rudio. Rocking the stage, itinodo niya ang “Hallelujah” ni Bamboo. Tumalab kay hurado Zsa Zsa ang ‘Marko magic.’ Sabi ni Divine Diva, may kakaibang inspirasyong hatid ang resbaker, na para bang nama-magnet nito ang manonood.  

ADVERTISEMENT

“I Need You,” birit ni Charizze Arnigo. Hinangaan ni SB19 Stell ang talento ni Charizze, samantalang napansin ni SB19 Pablo ang good breathing at soft tones ni Charizze.  

Matapos ang solo singing, itinanghal na Top 3 sina Marko, Ian, at Charizze.  

Versatility ang ipinakita ni Marko nang mag-ala P-Pop Kings siya with his SB19 medley performance. Ang mga kanta ng lima, pinerform niya nang mag-isa! Harana times three naman ang hatid ni Ian sa kan’yang Lewis Capaldi medley. And, bringing something new to the TNT stage, isang sorpresang Moira dela Torre playlist ang napili ni Charizze. 

Pagkatapos ng medley round, binuksan na ang online voting! Bahagi ng kasaysayan ang Madlang People dahil 50% ng total scores ng Top 3 contenders ay mula sa online votes, at ang natitirang 50% naman ay mula sa hurados’ scores.  

Sa hinaba-haba ng pinagdaanan, sa kampeonato pa rin ang tuloy ni Marko, na hinirang binilang ‘TNT All-Star Grand Resbak 2025’ Champion, matapos makakuha ng 96.15% mula sa pinagsamang online votes at hurados’ scores. Mag-uuwi si Marko ng 1 million pesos, management contract, at isang prestihiyosong tropeo.  

ADVERTISEMENT

Nasa ikalawang puwesto si Ian (92.80%) at nasa ikatlong puwesto naman si Charizze (89.55%).  

Itinaas din ng grupong SB19–Stell, Pablo, Josh, Justin, Ken–ang energy sa studio! Ang P-Pop Kings, may pa-free concert sa tanghalian, as they perform their newest single “Dungka.” ‘Pag SB19 ang taya, nag-aapoy talaga ang bawat galaw. Sa sobrang hot ng energy, pati araw ay mapapangiti at mapapa-wow! 

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

ADVERTISEMENT

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.