Resbaker Enzo, malaki ang pasasalamat kay Vice Ganda | It’s Showtime | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Resbaker Enzo, malaki ang pasasalamat kay Vice Ganda | It’s Showtime
ABS-CBN Studios
Published Mar 13, 2025 01:42 PM PHT
|
Updated Mar 13, 2025 08:27 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Mag-stretching muna para ready kang salubungin ang weekend. Nand’yan na siya, malapit na! Kaunting kembot na lang at kaunting tiis pa. Pero bago ang party mode, isa munang paalala mula kay Vice Ganda: Mag-ingat sa mga maling balita. Maging mapanuri dahil laganap ang fake news.

Mapanuri rin sa buka ng bibig ang mga chikiting na tagahula sa ‘Ansabe.’ Naunang sumalang si Kelsey at teammates na sina Stephen, Jhong Hilario, Kim Chiu, Ryan Bang, at Darren Espanto. Mahigpit ang pangangailan sa puntos! Kaya naghigpit din si Jhong sa nakalistang oras nila. Biro ni Meme, sana naman huwag nang manakot pa!

Mahusay sumagot si buli-lip reader Kulot kasama ang mga kagrupong sina Vhong Navarro, Cianne Dominguez, Argus, Lassy, at Teddy Corpuz. Si cutie boy Argus, ‘uminit ang ulo’ dahil sa carrots? Kalma lang, baby. Naka-four points naman kayo today!

Teka, ika’y mapapakapit sa labanang mahigpit. Apat din ang salitang nahulaan ni Briseis, with her teammates Vice, Karylle, MC, Ayesha, at Jugs Jugueta. Pero nagkatalo sa dadalawang segundo. Panalo na, naging bato pa!

Finally, natapos na ang ‘sumpa’ kay Lassy! Ang tanong, naipasa nga ba ang ‘kamalasan’ kay MC?

Tuloy-tuloy ang salpukan ng mga boses na pangmalakasan sa ‘All Star Grand Resbak’ ng Tawag Ng Tanghalan. Kung kailangan mong mag-catch up, heto ang maikling recap! Nitong Lunes ay nahati ang 48 Resbakers sa apat na pangkat. Kada araw, isang miyembro ng bawat grupo ang magtatanghal sa entablado. Ang may pinakamataas ng score ay makakakuha ng isang puntos para sa kan’yang grupo.

Sa ngayon ay malakas ang laban ng Pangkat Alon na may dalawang puntos na. Ang goal ni Enzo Almario sa araw na ‘to, gawin ‘yang tatlo! “Iris” ang napili n’yang panlaban. Pagkatapos ng performance, ibinahagi ni Enzo ang journey from a kiddie singing contests to ‘Tawag Ng Tanghalan’ kung saan nagkaroon siya ng lakas ng loob na ‘mag-out,’ thanks to Vice Ganda. Labis ang pasasalamat ni Enzo sa lakas ng loob at inspirasyon na ibinigay ni Meme. Hanggang sa sumali siya sa “Idol Philippines” at nabuo ang grupong iDolls with his fellow contestants Matty Juniosa, at Lucas Garcia, na wala man sa studio ay hindi pa rin nakaligtas sa ‘pamumuksa’ ni Vice Ganda.

Samantala, sa dami ng natulungan ni Vice, bakit daw hindi nagawan ng paraan ‘yung mukha ni Lassy? Biro ni Meme, tinanggihan sila ni Dra. Vicki Belo kasi hindi raw sila nag-vu-vulcanize. ‘Bunot’ of the day si Lassy, na inasar din sa twinning OOTD with Punong Huardo, Louie Ocampo. Uy, Meme! Twinning din kayo ni Makki Lucino! Twinning rin ang style ng jokes nina Ryan at Teddy. Bakit si Vice Ganda raw ang paborito ng mga tambay?

Smoking hot naman ang pagkanta ni Eich Abando ng Pangkat Alab. Ang Madlang People, napapikit sa boses niyang nakaka-in love. Pero may kaunting napuna si Hurado Louie. Malaki kaya ang maging epekto nito sa score ni Eich?

Mula sa Pangkat Agimat, nabunot ang pangalan ni Aihna Imperial, na nagbabalik fresh from the recent season, ‘Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.’ Performance ni Aihna ay perfect sa mga “Marupok.” ‘Wag kang kakatok kung ‘di ka rin naman papasok,” sabi sa kanta. Naka-relate ba si Darren? Napangiti na lang ang ‘pambansang bestie’ sa low-key pambubuko ni Meme.

How true na na-develop si Vice Ganda kay Jhong? Hirit ni Meme, na-fall siya matapos i-stalk si Jhong sa social media. Pero nang magkita sila sa personal, ay, budol pala.

Damang-dama ang simoy ng Pangkat Amihan dahil si Venus Pelobello ang lalaban. ‘Yung kantang pambata na “Tomorrow,” ibinirit ni Venus nang todo! Dahil diyan, napakanta ang ‘Showtime’ family ng iba’t-ibang versions ng “Tomorrow.” May kiddie version na kinanta ni Meme, may ‘pang-kriminal’ mula kay Jhong, sexy version from Kim, tunog-bibo mula kay Vhong, at Korean version naman ang kay Ryan. Meron pa! Aso version daw ang kay Lassy, at kay MC naman ay bersyon na pang-presidente.

Sa araw na ‘to, ang puntos ay mapupunta sa nag-aalab na grupo! Si Eich ang nakakuha ng pinakamataas na score na 94.7% kaya naman may 2 points na ang Pangkat Alab.

Matapos ang intense kantahan, palawakin naman ang kaalaman! Sa dami ng nangyayari sa paligid, dapat matutong magmasid at maging mapanuri. Mag-review muna tayo ng current events. Makaka-ilang tamang sagot ka kaya sa ‘Quiz Vee?’

Bawat sagot ay may katumbas na premyo at medalya. No pressure dahil pwedeng hanapin ang sagot sa internet. Ilan sa mga katanungan sa araw na ‘to ay tungkol sa kahulugan ng ICC, kung saan matatagpuan ang headquarters nito, at kung ano ang capital ng Netherlands.

Ang isang madlang audience, nag-celebrate ng birthday sa “It’s Showtime” studio. Dahil birthday niya, quiz bee muna!

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Read More:
Its Showtime
Vice Ganda
Vhong Navarro
Jhong Hilario
Ryan Bang
Ion Perez
Karylle
Kim Chiu
Amy Perez
Jugs Jugueta
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT