2-year old baby boy, todo ang kembot sa pagsayaw ng 'Pantropiko' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2-year old baby boy, todo ang kembot sa pagsayaw ng 'Pantropiko'

ABS-CBN News,
Mae Janica Palkit,
Bayan Mo,
i-Patrol Mo Intern
Published Apr 29, 2024 06:53 PM PHT

MAYNILA -- Kinaaaliwan online ang dance moves ni Baby Zane habang ginagaya ang paboritong nitong performance video ng BINI na Pantropiko.

Tutok na tutok sa TV screen habang sinasabayan ng kembot ng dalawang taong gulang na si Baby Zane ang pinapanood niyang performance video.

Kuwento ng kanyang Mommy at ni Bayan Patroller Michelle Adonis, mahigit isang buwang inaral ni Baby Zane ang dance steps ng kantang Pantropiko bago makabisado ang ilang steps. Dagdag niya, si Baby Zane na mismo ang kumukuha ng remote at nagbubukas ng telebisyon sabay pili ng mga bidyo ng BINI.

Ayon kay Patroller, Marso 6, habang naghahanap siya ng cartoons para kay Baby Zane, biglang lumapit ito sa TV at itinuro ang music video ng Pantropiko. Mula noon, tila araw-araw na itong routine para kay Baby Zane na mapanood ang bidyo.

Ani ni Bayan Patroller Michelle, hindi man siya fan ng BINI, na-LSS na rin ito dahil aniya very catchy ang kanta. Kita rin sa bidyo ang kasiyahan at ang husay ni Baby Zane sa pagsasayaw na kuhang-kuha na ang chorus dance steps ng kanta.

Dagdag pa ni Patroller, nagulat na lang siya nang makitang nag-iimprove si Baby Zane sa pagsasayaw kahit wala namang nagtuturo ng choreography sa kanya. Talagang makulit na aniya si Baby Zane at mahilig na manggaya kaya mabilis na maturuan.

Kwento pa ni Bayan Patroller Michelle, sobrang proud siya sa anak. Para sa kanila, si Baby Zane ay isang biyayang matagal na nilang hinihintay, matapos ang tatlong taong pahirapang pagbubuntis.

Kaya nang magkaroon sila ng anak ng kanyang asawang si Raymart ay nagdesisyon si Patroller na mag-resign sa kanyang dating trabaho bilang data encoder para mas maalagaan si Baby Zane habang nasa trabaho naman ang kanyang asawa bilang seafarer.