Yaya Dub bumisita sa 'Kalokalike' ng 'It's Showtime' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Yaya Dub bumisita sa 'Kalokalike' ng 'It's Showtime'

Yaya Dub bumisita sa 'Kalokalike' ng 'It's Showtime'

Kiko Escuadro,

ABS-CBN News

Clipboard



MAYNILA -- Kinagiliwan ng madlang people nitong Sabado ng Tanghali ang naging pagbisita sa "It's Showtime" ang "Kalokalike" ni Maine Mendoza na si Michaela Bautista ng Rizal.

Sa kaniyang naging pagbisita sa Kapamilya noontime show, mainit na pagsalubong ang inihatid ng "Showtime" hosts na nakipagkuwentuhan rin sa 'Kalokalike' contestant.

"Hi Yaya Dub," ani Jhong Hilario.

"Buti naman nabisita ka sa 'Showtime'," sundot na tanong ni Vhong Navarro.

ADVERTISEMENT

"Buti pinayagan ka roon para pumunta dito?" tanong ni Kim Chiu.

"Yes po pinayagan naman po ako," tugon ng "Kalokalike" ni Yaya Dub.

"Pero alam mo ba, isa ka sa nagpa-stress sa amin dito, ilang years ago?" pabirong kuwento ni Jhong Hilario.

"Muntikan na kami doon e," pabirong sundot naman ni Vhong Navarro.

"Muntikan na kami doon gumanon o," masayang pagbabahagi ni Hilario.

ADVERTISEMENT

"Nauso non ang split-screen e, tapos mag-gaganun kayo (pusuan) kamuntikan na kami ma-tegi don," dagdag naman ni Navarro.

Nagkaroon rin ng pagkakaton ang "It's Showtime" hosts na kamustahin ang mga beteranong host ng noontime show na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa 'Kalokalike' ni Yaya Dub.

"Masaya po. Masaya po kami roon," ani "Kalokalike" Yaya Dub.

"Hi mo kami ha mga idol," tugon ni Hilario.

Sa huli, may mensahe rin ang "Kalokalike" contestant sa mga AlDub fans.

ADVERTISEMENT

"Sa lahat po ng sumusuporta pa rin sa AlDub, maraming salamat po wala po kaming anak, busog lang po ako," pabirong sambit ng "Kalokalike."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.