Matapos iwan ang pag-aartista, Jinky Oda isa nang security personnel sa Amerika | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Matapos iwan ang pag-aartista, Jinky Oda isa nang security personnel sa Amerika

ABS-CBN News
Published Jul 10, 2021 10:21 PM PHT

Kilala bilang si Bale sa sikat na sitcom noong araw na “Okay Ka, Fairy Ko!”, isa nang ganap na security personnel sa Amerika ang dating aktres at komedyanteng si Jinky Oda.

Sa kaniyang panayam sa vlog nina Rufa Mae Quinto at LJ Moreno na “The Wander Mamas”, nagkita ang tatlo sa California kung saan napag-usapan nila kung paano napunta sa Amerika si Oda.

Aniya, nagsimula ang ideya na manirahan siya sa US nang tanungin noon ng anak kung nakikita ba nito ang sarili na mamamalagi sa ibang bansa.

Hindi pa noon kumbinsido si Oda na magtungo sa Amerika ngunit makalipas ang apat na taon na pananatili roon ay napagtanto rin niya na doon na niya nakikita ang sarili na maninirahan.

“First year ko dito the whole year culture shock siya. Kasi walang tao. Nasa’n ang tao? Kapitbahay mo nga, di mo kilala...Walang tao, walang kausap,” kuwento pa nito.

Nagsimula siya aniya bilang isang caregiver dahil na rin sa tulong ng kaniyang kapatid na isang nurse sa Amerika.

“Dahil wala pa nga akong papers at that time, parang ano lang ako, on-call caregiver. Pag walang caregiver na pumapasok, ako yung parang nagfi-fill in. OK naman. Kesa naman sa nganga,” paliwanag ni Oda.

Ngunit hindi naglao’y may nakilala itong local security guard na siyang nagpasok sa kaniya sa security field.

“Meron akong nakilalang guy na local security guard. Lumapit lang siya sa ‘kin. Siyempre, to be polite, ngumiti lang ako. Biglang lumapit, nagpakilala. To make the long story short, siya nagpasok sa akin sa security field,” saad nito na nilinaw na iba ang trabaho niya sa mga awtoridad na may dalang baril.

Bagamat aminadong nami-miss pa rin ang Pilipinas, tanging mga kaibigan na lamang ang babalikan ni Oda sa bansa lalo pa’t nasa Amerika na rin ang kaniyang pamilya at maayos na ang kaniyang trabaho.

“Maganda yung trabaho [ko]. Ito ang magiging buhay ko na for the rest of my life. Kailangan i-accept.”