PANOORIN: Mensahe ni Jake Zyrus sa kanyang lola | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Mensahe ni Jake Zyrus sa kanyang lola

PANOORIN: Mensahe ni Jake Zyrus sa kanyang lola

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 30, 2017 12:38 PM PHT

Clipboard

Nananatili pa ring malakas ang lukso ng dugo kay Jake Zyrus sa kabila ng pagtutol ng kanyang lola sa pagpapalit niya ng pangalan, na dating Charice Pempengco.

"Lagi ko lang naman din pong sasabihin na mahal ko sila kahit na iba-ibang news man 'yung makita nila, kahit na ano mang sabihin nila, ng lola ko, at the end of the day, we're still family. I love them. I love you, guys," ani Jake Zyrus sa panayam na Tonight with Boy Abunda.

Sinabi ni Jake Zyrus na naiintindahan niya ang reaksiyon ng kanyang lola na sinabing hindi kukunsintihin ang kanyang piniling kasarian at pangalan. Patuloy niya raw na mamahalin ang lola at pamilya sa kabila ng mga sinabi nito.

"Kung ano man po 'yung sinabi nila, kung ano man yung nabitawang salita ng lola ko sa akin, tinatanggap ko po iyon dahil mahal ko po sila. Nauunawan ko," aniya.

ADVERTISEMENT

Naniniwala rin siyang isang araw ay mapagtatanto ng kanyang lola ang kaligayahang nadarama niya bilang si Jake Zyrus.

"I know that someday, no matter what, makikita rin ng lola ko yung happiness na nararamdaman ko."

Matatandaang nagpahayag ng pagkadismaya ang lola ni Jake Zyrus na si Tess Relucio sa tungkol sa pagbabago ng pangalan ng apo.

Nagpalit ng pangalan na Jake Zyrus ang dating Charice noong Hunyo 20, halos isang buwan matapos silang maghiwalay ng girlfriend na si Alyssa Quijano.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.