Kathryn Bernardo may bagong segment sa kaniyang YouTube channel | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kathryn Bernardo may bagong segment sa kaniyang YouTube channel

Kathryn Bernardo may bagong segment sa kaniyang YouTube channel

ABS-CBN News

Clipboard

Mula sa Instagram ni Kathryn Bernardo.

May bagong aabangan sa YouTube channel ng aktres na si Kathryn Bernardo matapos niyang ilunsad ang isang segment na tinawag niyang “TGIS” na mismong ang nobyong si Daniel Padilla ang tatayong direktor.

Sa isang vlog, ipinasilip ni Bernardo ang ilang behind-the-scenes clips sa set ng “TGIS” kung saan mag-iimbita siya ng kaibigan upang makakwentuhan.

Ayon sa aktres, pinangalanang “TGIS” ang nasabing segment sa kaniyang “Everyday Kath” na channel sa video streaming platform dahil madalas umano ito maglabas ng content tuwing weekend.

"'TGIS' because usually I upload my vlogs 'di ba on weekends. So nag-iisip ako ng pangalan, and then I told DJ [Padilla] about this. Sabi niya bakit hindi na lang 'TGIS'. So that's why 'TGIS' siya," paliwanag ni Kathryn.

ADVERTISEMENT

Sa Instagram, sinabi rin nito na ang naisip na segment ay isang virtual place kung saan pwedeng kumain at makipag-usap lamang sa guest.

Dagdag pa ni Bernardo, safe zone at palagi lamang masaya at totoo ang lalamanin ng mga “TGIS” content.

Magiging isang semi-regular segment umano ito sa kaniyang channel kung saan aasahan na ng mga manonood ang pagkain.

Mahalaga para kay Bernardo ang pagkain dahil na rin sa kultura ng mga Pinoy na mahilig kumain.

“Usually ii-invite ko 'yung guest, dala ka ng specialty mo or kung ano 'yung favorite food mo, and then we're going to talk about that food and random things. So not too formal. It's just like catching up with your friend," saad ng aktres.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bagay umano ang konsepto nito para sa mga collaboration na gagawin niya lalo pa’t isa iyon sa mga request sa kaniyang mga tagasuporta.

“So sabi ko, why not do something na sit-down interview-ish na very chill, since I'm not a host, parang gusto ko lang naman mag-chika,” tugon ni Kathryn.

Handa na rin ang unang episode ng “TGIS” kung saan makakasama niya ang isa sa mga pinakamalapit umano sa buhay niya at makakatulong sa kaniyang naisipang proyekto.

"For our very guest for the first episode, it's going to be a surprise. But it's someone very close to me, someone who can help me out with this, kaya confident din ako na matutulungan niya ako," pahapyaw ni Kathryn.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.