Ely Buendia isiniwalat ang kuwento sa likod ng Eraserheads hit na ‘Spoliarium’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ely Buendia isiniwalat ang kuwento sa likod ng Eraserheads hit na ‘Spoliarium’

Ely Buendia isiniwalat ang kuwento sa likod ng Eraserheads hit na ‘Spoliarium’

ABS-CBN News

Clipboard

Galing sa Instagram account ni Ely Buendia

“Kuwentong inuman.”

Ganito inilarawan ng dating lead vocalist ng legendary na bandang Eraserheads ang kuwento sa likod ng isa sa mga kontrobersyal nilang awitin na “Spoliarium.”

Ipinaliwanag ni Ely Buendia sa isang podcast na mababaw lamang ang basehan ng “Spoliarium” na naging usap-usapan ng maraming tao sa higit dalawang dekada simula nang ilabas ito.

Kuwento ni Buendia, ang gintong alak na nabanggit sa awitin, na kabilang sa kanilang "Sticker Happy" album, ay hango sa alak na Goldshläger.

ADVERTISEMENT

“Spoliarium is one of those cases where really the myth has sort of taken over the facts and I kinda like it. I kinda like the myth,” ani Buendia sa “Wake Up With Jim & Saab” na podcast.

“Because the actual meaning of the song is also again, just really mundane . . . Alam niyo yung drink na Goldshläger? So we were drinking that, and that gintong alak, that’s what it meant. It’s all about getting pissed drunk,” dagdag pa ng OPM hitmaker.

Nilinaw rin ni Buendia na ang Enteng at Joey na pangalan sa kanta ay ang kanilang road managers at hindi ang mga itinuturo sa teoryang matagal nang kumakalat sa publiko.

Maraming tagapakinig ang naniniwalang may base ang kanta sa umano'y rape case sa 1980s star na si Pepsi Paloma.

“They were roadies. Kaya first time ko nabasa 'yun, that urban legend, sabi ko, ‘Wow, okay ‘to ah.' There really is, sometimes, 'yung mga coincidence like that, you have no power over that. It just happens,” ayon sa singer.

Binigyang diin niya na tungkol ito sa hangover mula sa inuman ngunit wala naman umanong kaso sa kaniya kung ano ang maging interpretasyon ng tao sa “Spoliarium.”

Ayon pa kay Buendia, hindi pa rin naman umano titigil ang haka-haka sa kabila ng kaniyang pagkuwento ng tunay na istorya sa likod ng kanta.

“We were just drinking. It’s about the hangover. But you know, whatever people wanna think about that song, it’s fine. That’s the beauty of it,” tugon ng 50-anyos na singer at songwriter.

“Are you disappointed? . . . Pero pustahan tayo kahit sinabi ko na yan, the myth will still go on.”

Related video:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.