Kakaibang ulap, namataan sa Naga City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kakaibang ulap, namataan sa Naga City
Kakaibang ulap, namataan sa Naga City
Mylce Mella,
ABS-CBN News
Published Jun 14, 2017 05:44 PM PHT

Courtesy of Rico Badilla
NAGA CITY - Isang kakaibang cloud formation ang namataan sa Naga City Martes ng hapon.

Nakuhananan ng bidyo ni Rico Badilla ang kakaibang ulap sa may Igualdad corner Abella Street sa Naga City.

Pababa ang ulap at kulay grayish blue na hugis embudo.

Paniwala ni Badilla, magiging buhawi ito pero hindi naman natuloy.
Paniwala ni Badilla, magiging buhawi ito pero hindi naman natuloy.
ADVERTISEMENT
Ayon sa weather forecaster at meteorologist na si Fred Consulta ng PAG-ASA Camarines Sur, tinatawag na mammatus clouds ang namataan sa siyudad.

"Nangyayari yan after noontime bandang hapon. Medyo nagstop na yung bumaba, ang clouds na yan ay mammatus clouds, may isa siyang portion na bumababa na siya ibig sabihin meron nang circulation sa clouds," aniya.

"Yung nakita natin na nasa kalangitan lang, ibig sabihin mahina lang yun. Nasa taas ang cloud base, walang kakayahan na bumaba pa. nakita natin nag-form lang ng funnel pero nawala din after several minutes," dagdag pa ni Consulta,

Hindi lang paniniwala, pero aprubado din ng siyensiya na tuwing makakakita ng maitim na ulap o nimbus clouds, delikado ito lalo na sa mga open area gaya ng mga sakahan.

Paalala ni Consulta, kinakailangan ang dobleng pag-iingat sa mga ganitong sitwasyon.

"May hazard yun. Dapat may preparation pa rin. Nakita natin yung ulap baga magkaroon ng lightning...'Yung mga nasa ricefield, kung papalapit sayo, umiwas ka na. Bigla yung nagkakaroon ng kidlat," aniya.

Noong una ay natakot si Badilla sa nakita. Ipinagtaka rin niya ito dahil unang beses niyang nakakita ng ganitong klaseng ulap, kaya't kinuhanan niya ito ng bidyo at ibinahagi sa iba.