Pag-unlad na ramdam ng lahat, panawagan ni Duterte sa APEC | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pag-unlad na ramdam ng lahat, panawagan ni Duterte sa APEC

ABS-CBN News
Published Nov 10, 2017 12:06 AM PHT

Sumentro sa pag-ulad na ramdam ng lahat o "inclusive growth" ang keynote address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO Summit sa Da Nang, Vietnam.

Ayon kay Duterte, dapat pang palakasin ng APEC ang sinasabing regional integration sa pamamagitan ng pagbubukas ng merkado at palitan ng negosyo para tulungan ang mga bansang naghihikahos at nagsisimula pa lang umunlad.

"The essence of true cooperation is that all partners and everyone contribute. Charity is not what less developed economies and small businesses need. What they need are greater market access and the opportunity to participate in growth and development. Unless we adopt this mindset, inclusive growth will continue to elude us," ani Duterte.

Dagdag ni Duterte, puwede lalong pasiglahin ang kalakalan sa rehiyon sa pamamagitan ng e-commerce at partisipasyon ng micro, small, medium enterprises o maliliit na negosyo.

ADVERTISEMENT
Sa chairmanship ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), isa sa mga solusyon na nakita ni Duterte ang pagbigay ng access sa mga mahihirap o developing countries sa merkado ng mga malalaki at mauunlad na bansa.

Matapos ang talumpati, may isang nagtanong kay Duterte tungkol sa globalization.

Ayon kay Duterte, mismong Amerika ay nabiktima ng globalization dahil nagsilipatan sa Tsina ang mga negosyante dahil mas mura magnegosyo roon.

Pati raw ang pag-alis ng mga magagaling na Pilipino para magtrabaho sa ibang bansa ay epekto ng globalization.

Kaya isusulong muli ni Duterte sa ASEAN Summit sa susunod na linggo ang regional integration para mas maraming bansa ang makinabang sa pag-unlad ng ekonomiya ng rehiyon.

Matapos ang keynote address, nagkaroon din ng bilateral meeting ang pangulo sa Vietnam.

Humarap din ang pangulo sa Filipino community roon.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
APEC2017
ASEAN2017
APEC 2017
ASEAN 2017
APEC2017
ASEAN2017
balita
inclusive growth
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT