JC De Vera walang bad memories kay Direk Joel Lamangan | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
JC De Vera walang bad memories kay Direk Joel Lamangan

Leo Bukas
Published Aug 07, 2023 01:01 PM PHT

Ayon sa Kapamilya actor na si JC De Vera, isa raw siya sa maituturing na Direk Joel Lamangan baby dahil bata pa lang siya noon ay nakatrabaho na niya ang beteranong direktor.

“I have good memories with Direk Joel, honestly,” pagtatapat ni JC sa PUSH nang makausap siya sa story conference ng pelikulang Apo Hapon na ididirek din ni Direk Joel.

“Nakatrabaho ko si Direk on my first movie, yung Mano Po (Ako Legal Wife), baby pa ako noon, and that was 2004. Tapos the next project na I got to work with Direk Joel yung Babangon Ako’t Dudurugin Kita. Tapos nagpunta kami sa TV5, yon yung Valiente, tapos itong movie na nga yung next,” kuwento pa ng aktor.

Bukod sa pelikulang Apo Hapon ay isa rin si JC sa mga bida sa teleseryeng Nag-aapoy Na Damdamin ng TV5 at ABS-CBN.

“So far, so good naman. I don’t have any bad memories with Direk. He’s a great teacher and disciplinarian. Itinuro niya sa akin talaga how to focus on your job and nothing else. Siguro, yon din talaga yung nabaon ko.

“You just be professional and do your thing at work. Siyempre, at a young age, di ba, I was in my 20s so alam mo yon, panahon ng kasagsagan ng mga kakulitan ng pagiging binata. Pero nagdire-diretso at that time kasi talagang tinuruan niya kami na we just have to focus on what we’re doing.

“And hanggang ngayon, yung level of focus na meron ako ngayon is because of Direk Joel,” paliwanag pa ni JC.

So, ibig sabihin ba nito ay walang dapat ikatakot ang mga baguhang artista sa beteranong direktor?

Tugon niya, “Sa tingin ko matatakot ka lang kasi kung hindi ka prepared. Matatakot kay kay Direk Joel kapag hindi mo inaral yung script, kapag hindi mo inaral yung karakter mo and kung sa tingin mo naglalaro ka lang ba sa set.

“Pero kung sa tingin mo na na you are very well prepared and then you know your character very well so bakit ka maatakot sa kanya?”

May advice naman si Direk Joel sa mga baguhang artista na first time pa lang niyang makakatrabaho sa Apo Hapon.

Aniya, “Relax lang kayo. Hindi n’yo naman ikamamatay ito. Relax lang. We will do good. I will help you to be very, very good actor.

“You will commit mistakes, fine. You commit mistake once, fine. Pero dapat you know how to do it correctly sa susunod. Yon lang naman ang sasabihin ko sa kanila.

“Ako nama’y mataray lang sa mga artista na hindi maganda ang attitude. Example, may mga artista na nale-late, ayaw na ayaw ko yon. Kapag nale-late ang artista, pera ng producer ang nasasayang doon at nawawala. At yung artistang tumitingin ng mababa doon sa mga manggagawa, yung humindi tumitingin ng pareho—yon lang naman.

“Pero kung gusto mong matuto kahit na gaano kahirap, siyempre tutulungan kita. Basta interesado ka, okey sa akin. Kapag baguhan, siyempre maraming adjustment. Ako naman ang nag-a-adjust sa baguhan. Hindi ko naman siya tinatratong… Alam kong bago pa lang, wala pang masyadong alam, ituturo mo sa kanya kung papaano dapat,” tagubilin ni Direk Joel sa mga baguhan.

Read More:
JC
JC de Vera
JC De Vera
Nag-aapoy Na Damdamin
Apo Hapon
Direk
ABS-CBN
Leo Bukas
TV5
Direk Joel Lamangan
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT