Danny Javier ng APO Hiking Society, pumanaw na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Danny Javier ng APO Hiking Society, pumanaw na

Pao Apostol
Published Nov 01, 2022 05:34 AM PHT

Namayapa na sa edad na 75 ang singer na si Danny Javier, isa sa tatlong miyembro ng OPM group na APO Hiking Society.

Sinabi naman ng kapatid nito na si George sa panayam ng ABS-CBN News, binawian si Danny ng buhay alas singko ng hapon matapos ma-cardiac arrest sa National Kidney Transplant Institute.

Naglabas ng pahayag ang pamilya ng mang-aawit na anila’y pumanaw nitong Lunes, ika-31 ng Oktubre, dahil sa mga komplikasyon dulot ng “prolonged illnesses.”

"In life, as in his death, our Pop never stopped fighting for what he loved, what he believed in and what he was passionate about. He left this world with his passion and his strength of will intact and we know he would not have it any other way," ani ng anak ni Danny na si Justine Javier Long sa isang Facebook post.

Sa ngayon, humihingi naman ang pamilya ni Danny ng pribadong oras habang sila ay nagluluksa sa pagpanaw nito.

Nagpasalamat din sila sa "outpouring love, prayers, and condolences at this difficult time."

"Maraming salamat po. Ramdam na ramdam namin ang pagmamahal ninyong lahat para sa kanya,” ani pa ni Justine.

Nag-iwan din ang anak ni Danny ng hindi malilimutang liriko mula sa isa sa mga awitin ng APO Hiking Society.

"Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa, kami'y kasama mo,” ani Justine sa kanyang Facebook post.

Ang mga miyembro ng APO Hiking Society ay maituturing na haligi ng OPM.

Ilan sa mga sikat nilang awiting ang “Batang-Bata Ka Pa,” “Lumang Tugtugin,” “When I Met You,” “Awit Ng Barkada,” “Yakap Sa Dilim,” “Pumapatak Ang Ulan,” at marami pang iba.