Jerald Napoles, inalala ang dating trabaho bilang ‘kargador’ at ‘demolition man’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Jerald Napoles, inalala ang dating trabaho bilang ‘kargador’ at ‘demolition man’

Jerald Napoles, inalala ang dating trabaho bilang ‘kargador’ at ‘demolition man’

PUSH TEAM

Clipboard

Inalala ng FPJ’s Ang Probinsyano actor na si Jerald Napoles ang mga pinagdaanang trabaho noon, bago marating ang pagiging TV actor ngayon. Sa kaniyang interview sa Magandang Buhay nitong Lunes, February 17, ikinuwento ni Jerald ang minsang naging kargardor siya sa Divisoria, at volunteer demolition man sa Tondo noon.

"Ang dami kong pinasok na raket. Isa sa mga ginawa ko, nag kargador sa Divisoria. Kapag dumarating yung mga tela, kasi doon ang bilihan ng mga tela tapos nakarolyo yan bultuhan, 150.

"Tapos, demolition man. Kapag may naghahanap ng magdedemolish ng bahay sa Tondo, kami yung magpe-presenta," kuwento ni Jerald sa mga momshie hosts.

Proud din na ibinida ni Jerald ang kaniyang ina na mag-isang tinaguyod siya at isa ring 'raketera' noon. "Nagkasambahay po ang nanay ko, nag-tutor sa mga elementary, nag-waitress, nag-manikurista," kuwento ni Jerald na sinabing ang ina ang isa sa inspirasyon niya ngayon sa kaniyang career.

ADVERTISEMENT

Unang nakilala si Jerald sa pagiging theater actor kung saan ay nakilala niya ang girlfriend of six years niyang si Kim Molina.

Sa ngayon, masaya si Jerald sa bagong oportunidad bilang bagong adisyon sa cast ng Ang Probinsyano.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.