Rommel Padilla nag-react sa naganap na gulo sa basketball game ng anak na si Daniel Padilla | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Rommel Padilla nag-react sa naganap na gulo sa basketball game ng anak na si Daniel Padilla

Rommel Padilla nag-react sa naganap na gulo sa basketball game ng anak na si Daniel Padilla

Kiko Escuadro

Clipboard

Sa naganap na farewell press conference ng afternoon teleserye na The Better Half, nakapanayam natin dito na si Rommel Padilla.

A post shared by Rommel Padilla (@omengq) on

Ibinahagi ng ama ni Daniel Padilla ang kanyang saloobin sa pinag-usapan noon na basketball game na umabot sa pisikalan at humantong pa sa bangayan sa social media.

A post shared by Reyma Buan Deveza (@reymabd) on

"Actually nagba-basketball din naman ako e. Kasama sa laro yun. Tulad nga ng sabi ni JC (de Vera) kapag nasa laro ka, nadadala ka talaga ng emosyon. Tsaka physical game talaga yan, part of the game yan," ani ni Rommel.

Dagdag pa ni Rommel malaki ang tiwala niya kay Daniel lalo na pagdating sa mga desisyon nito sa buhay.

ADVERTISEMENT

A post shared by Rommel Padilla (@omengq) on

"Si DJ kasi nasa hustong edad na. At sa pinagdaanan niya din siguro noon sa kanyang teenage life, alam na niyang i-handle yung nga ganyang sitwasyon at ako’y may tiwala naman kay DJ. Magkaroon man ng hamunan, lalaki yan e at hindi nagsasabi sa akin yun. Kaya alam kong alam niya ang ginagawa niya," paliwanag pa nito.

Malaking pasalamat din ni Rommel para sa patuloy na pagtangkilik ng mga tao kanyang anak.

"Unang-una, answered prayer ang lahat ng ito. Kami ni Karla (Estrada) since mag start si DJ sa industriyang ito, wala kaming ibang ipinagdasal kung hindi maging matagumpay siya at ito nga nabibigyan siya ng magagandang pagkakataon," sabi pa ni Rommel.

"Sa nakikita ko naman, naibabalik niya naman ito sa kanyang mga fans. Lahat ay pinagsasakripisyuhan ni DJ. Itong tinatamasa niya ngayon ay naibabahagi niya din ang blessings niya sa lahat."

Sa nalalapit naman na pagtatapos ng The Better Half, may nakalinyang susunod na proyekto si Rommel. Kabilang na kaya dito ang La Luna Sangre?

"Sana. Pero wala pa naman, wala pa naman akong naririnig."

Sa ngayon abala pa din si Rommel at ang ibang karakter sa The Better Half para sa kanilang inaabangang final two weeks.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.