Sarah Pope is willing to forget the plagiarism issue if Sen. Tito Sotto apologizes | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sarah Pope is willing to forget the plagiarism issue if Sen. Tito Sotto apologizes

Sarah Pope is willing to forget the plagiarism issue if Sen. Tito Sotto apologizes

Bernie Franco

Clipboard

082012-tito-main.jpgLumikha ng ingay si Sen. Tito Sotto nang magbigay siya ng speech kamakailan sa Senado hinggil sa Reproductive Health Bill or mas kilala na RH Bill. Naging emosyunal ang senador na hindi sang-ayon sa Reproductive Health Bill at sinabing namatayan siya ng anak dati at isinisisi ito sa contraceptives na ginamit ng kanyang asawa.


Pero mas naging malaki pa ang isyu ng diumano’y pagkopya niya ng kanyang speech sa isang article ng isang American blogger na nagngangalang Sarah Pope. Sinabing parehong-pareho umano ang mga salita sa speech ni Sen. Sotto sa blog ni Sarah na na-post niya noong February 2011.


Sinasabi umanong ang hindi pag-acknowledge kay Sarah sa nasabing speech ay maituturing plagiarism. Pero paglilinaw ni Sen. Sotto sa isang interview niya kamakailan, hindi umano niya inangkin ang mga pahayag dahil nagkataon lang daw na pareho sila ng source ng nasabing blogger. Sa kani-kanilang article daw ay ang naging source nila ay si Natasha Campbell-McBride. Paglilinaw ni Sotto hindi umano niya inangkin ang mga ideya ni Campbell-McBride at binigyan umano ng proper credit ang author sa kanyang speech pero hindi si Sarah.


Pero sa kanyang blog ay inilabas ni Sarah ang kanyang galit at sinabi niyang isang senador sa Pilipinas ang nag-plagiarize ng kanyang blog entry. Hindi rin umano niya ikinatuwa ang pagtanggi ng senador sa akusasyon. Depensa pa ni Sarah: “I put her work in my own words and you copied my words.”


Inamin naman ng chief of staff ni Sen. Sotto na si Hector Villacorta na nakopya nga ng kanilang staff ang bahagi ng blog ni Sarah at humingi naman ito ng paumanhin. Pero nilinaw din niya na public domain ang internet at hindi sakop ng copyright law ang blogs.


Sa isang article na inilabas naman ng US tech and legal experts na hindi raw public domain ang internet at sa US ay ikinokonsiderang criminal offense ang plagiarism.


Ayon pa kay Sarah, mas ayos sana kung inamin na lang ng senador ang kanyang pagkakamali. “What Senator Sotto should have done is say, ugh, we made a mistake. Yes, proper credit should be given for information that had been taken illegally from my blog I’m sorry and can we move on.” Aniya pa kung magbibigay pa ng sincere apology ang senador ay ipapaskil pa niya ang letter at tapos na ang isyu.


May mga nagsasabi naman na exaggerated ang reaksyon ni Sarah at nalilihis na raw ang tunay na isyu.

Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.