Bea Alonzo opens up about growing up without a father | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bea Alonzo opens up about growing up without a father

Bea Alonzo opens up about growing up without a father

Krissa Donida

Clipboard

101012-bea_main.jpgIsang masayang Bea Alonzo ang ekslusibong nakapanayam ng Push.com.ph kung saan inilahad nito ang kanyang saloobin ukol sa mga blessings natanggap niya sa kanyang personal life at sa kanyang karera. “When it rains, it pours at totoo naman dahil it’s pouring with blessings. Sana magtuloy-tuloy ako, sana mag-grow ako as an artist, sana mag-grow ako at hindi lang ako matuwa dahil I am very, very grateful.”


At mula nga dito ay napag-usapan ang isang aspeto ng kanyang pinagmulan bago narating ang lahat ng ito: ang lumaki si Bea na hindi buo ang kanyang pamilya. Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga tao na hindi niya pa nakikilala ang kanyang tunay na ama. “I did not think that it was abnormal, I thought it was normal parang ganun. Lagi akong binibigyan ni Lord ng father figure, at that time it was my Tito, then nandiyan si Mr. M (Johnny Manahan) tapos si Direk Lauren (Dyogi). Hindi ako nawawalan ng tatay, hindi naman ako nagkaroon ng urge o hindi naman ganun kalaki ang kakulangan ko sa buhay ko na maging rebelde ako. Talagang pinursigi ng nanay ko na palakihin ako ng maayos.”


Ngunit may inamin si Bea na nakaapekto sa kanya lalo na tuwing dumarating ang ganitong mga okasyon. “I hate Family Days, kasi talagang naiinggit ako.”


Habang lumalaki si Bea, malaking ang naging epekto nito sa kanya sa kung paano niya nakikita ang sarili niya at kung paano ito nakatulong sa kanya ngayon. “Siyempre may mga disadvantage although nag-focus ako sa mga disadvantage nun na parang mas naging matapang ako, mas matatag ako. Kasi nga hindi naman perfect ang childhood although talaga my mom would really try again but it was hard and now I am realizing na sobrang hirap talaga ng pinagdaanan niya.”


At sa aspeto ng pagkakaroon ng sarili niyang pamilya balang araw, isang buong pamilya ang hiling ni Bea. Aniya, “Sana hindi ako itest ni Lord pero right now and ever since I was young, isa na yun sa mga malalaking pangarap ko.

Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.