Umano'y snatcher tiklo matapos makipaghabulan sa Commonwealth Ave. | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Umano'y snatcher tiklo matapos makipaghabulan sa Commonwealth Ave.

Umano'y snatcher tiklo matapos makipaghabulan sa Commonwealth Ave.

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Isang snatcher ang nahuli ng mga awtoridad matapos makipaghabulan sa Commonwealth Ave., Quezon City.

Sa North Fairview sa bahagi ng Tullahan Bridge sa Commonwealth, inaresto ang snatcher ng cellphone matapos siyang habulin at maabutan ng mga rumorondang pulis.

Sa salaysay ng 25 anyos ng babaeng biktima nito sa mga pulis, nakasakay siya ng jeep at nang kinuha niya ang panyo sa kaniyang bag, laking gulat umano niya nang biglang may humablot sa kanyang cellphone.

Dali-daling bumaba ng jeep ang biktima at hinabol ang suspek. Nagsisigaw ito at nakuha ang attensyon ng mga rumorondang kawani pulis.

ADVERTISEMENT

Nang maibigay ng biktima ang diskripsyon ng suspek kagaya ng kulay ng damit nito, hinabol hanggang sa maabutan at maaresto ang suspek

Nakuha mula sa suspek ang cellphone ng biktima na nagkakahalaga ng P14,000.

Depensa ng suspek, hindi siya ang salarin kundi siya pa nga umano ang humabol sa tunay na salarin.

Sa background check ng PNP sa suspek, lumalabas na may kasong rape at nakulong na ito noong 2011.

Kasong robbery snatching ang isasampang kaso sa kanya sa pagkakataong ito.—Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.