La Union, mga bahagi ng Ilocos niyanig ng magnitude 5.4 na lindol | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

La Union, mga bahagi ng Ilocos niyanig ng magnitude 5.4 na lindol

La Union, mga bahagi ng Ilocos niyanig ng magnitude 5.4 na lindol

Randy Menor

 | 

Updated May 24, 2025 06:37 PM PHT

Clipboard

Lumabas sa kanilang tinutuluyang mga classroom ang mga delegado ng Calabazon sa Palarong Pambansa sa Batas, Ilocos Norte dahil sa magnitude 5.4 na lindol sa La Union. Courtesy: Calabarzon Heroes Facebook pageLumabas sa kanilang tinutuluyang mga classroom ang mga delegado ng Calabazon sa Palarong Pambansa sa Batas, Ilocos Norte dahil sa magnitude 5.4 na lindol sa La Union. Courtesy: Calabarzon Heroes Facebook page

ILOCOS NORTE — Niyanig ng Magnitude 5.4 na lindol ang bayan ng Luna, La Union Sabado ng umaga.

Sa dagat, 31 kilometro sa hilagang kanluran ng Luna, ang sentro ng lindol na tectonic in origin.

Naramdaman din ang lindol sa iba't ibang bahagi ng Northern Luzon sa lakas na Intensity IV sa Candon City at Vigan City sa Ilocos Sur.

Intensity II naman sa Sinait, Ilocos Sur at naramdaman din sa ilang bahagi ng Ilocos Norte.

ADVERTISEMENT

Intensity I naman sa ilang bahagi ng Abra, La Union, Pangasinan at Baguio City.

Ayon sa Phivolcs, inaasahan ang aftershocks.

Sa Facebook page ng MIMAROPA team, nagsilabasan sa kanilah billeting school sa Vintar, Ilocos Norte ang mga delegado ng MIMAROPA matapos ang lindol.

Courtesy: Mimaropa Tamaraw Facebook pageCourtesy: Mimaropa Tamaraw Facebook page

Sa Facebook page naman ng CALABARZON na naka-house sa Batac City, Ilocos Norte, lumabas din ang mga delegasyon.

Agad naman nagsagawa ng inspeksyon ang local na gobyerno sa mga lugar at paaralan na tinutuluyan ng mga atleta, coaches at iba pang mga delegado na lalahok sa Palarong Pambansa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.