Hinihinalang gas explosion nagdulot ng sunog sa construction site sa BGC | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Hinihinalang gas explosion nagdulot ng sunog sa construction site sa BGC

Hinihinalang gas explosion nagdulot ng sunog sa construction site sa BGC

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 12, 2021 07:58 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nakahinto muna ang paggawa sa construction site ng residential-commercial building sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

Kasunod iyan ng hinihinalang gas explosion na naging mitsa ng sunog na ikinasugatan ng isang trabahador ng site Miyerkoles ng gabi.

Narinig sa malaking bahagi ng BGC ang pagsabog mula sa MJ Fort Construction site bago mag-alas-7:30 ng gabi.

Sinundan iyan ng malakas na apoy na tumagal ng mahigit 2 oras bago naapula ng 9:35 ng gabi.

ADVERTISEMENT

Nagsagawa ang lungsod ng evacuation sa mga tao sa mga katabing gusali pero hindi na nakalagpas sa construction site ang apoy.

Lubhang nasugatan ang 35-anyos na on-duty project safety officer na nagtamo ng third-degree burns sa mukha at katawan, at dinala sa St. Luke’s Medical Center.

Maayos na ang lagay niya, ayon sa lokal na pamahalaan.

Sa paunang impormasyon ng Bureau of Fire Protection Taguig mula sa mga tauhan sa construction site, aksidenteng natamaan ng drill ang isang gas pipe na lumiyab nang iniwan ang drilling machine.

Tinatayang P200,000 ang halaga ng pinsala.

Sabi ng LGU, mananatiling suspendido ang operasyon ng construction site habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at safety assessment.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.