'CA Throwback': Ang talent scout sa likod ng 'soft drink beauties' noong dekada '80 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'CA Throwback': Ang talent scout sa likod ng 'soft drink beauties' noong dekada '80

'CA Throwback': Ang talent scout sa likod ng 'soft drink beauties' noong dekada '80

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 18, 2023 11:26 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Naging matunog sa mundo ng showbiz ang pangalang Rey dela Cruz.

Siya lang naman kasi ang talent manager ng tinaguriang 'soft drink beauties' noong dekada '80 na sina Sarsi Emmanuel, Pepsi Paloma at Coca Nicolas.

Si Rey rin ang nagbigay-popularidad kay Rio Locsin bilang "dyosa ng kaseksihan."

Pero bukod sa kaniyang propesyon sa mundo ng showbiz, isa siyang optometrist at minsang naging barangay chairman sa Quiapo.

ADVERTISEMENT

Kaya naman ang malagim na pagpatay sa kaniya noong 1992, ikinabit sa naging trabaho niya sa barangay.

Nais umanong buwagin ni Rey ang isang drug syndicate sa kanilang lugar.

"Medyo touchy kasi ang 'yung subject na 'yan. Binaril siya dahil parang merong tungkol sa drugs. Parang meron yata siyang dahil barangay captain siya, meron siyang gustong linisin," pahayag ni Rio Locsin sa ABS-CBN News.

Bukod pa rito, iba't ibang kuwento pa ang ikinabit sa pagpanaw ng kontrobesyal na talent scout ng showbiz industry.

Panoorin ang naging pagsasaliksik ng ABS-CBN News sa buhay ni Rey dela Cruz maging ang tunay na dahilan ng kaniyang pagpanaw sa programang 'S.I.M.' na unang ipinalabas sa ABS-CBN Channel 2 noong Abril 28, 2001.

RELATED LINK:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.