Alex Eala gumawa ng makasaysayang record sa 2025 Miami Open | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Alex Eala gumawa ng makasaysayang record sa 2025 Miami Open

Christopher Sitson,

Patrol Ng Pilipino

Clipboard



MAYNILA — Umabante sa Top 75 ng WTA rankings si Alex Eala matapos ang kanyang matagumpay na kampanya sa 2025 Miami Open kung saan nakaabot siya sa semifinals. 

Ang 19 taong gulang na tennis player ang kauna-unahang Pilipino na umabot sa Top 100 ng WTA rankings. 

Napahanga ni Eala ang mundo sa kanyang bilis, husay at talino para maungusan ang 

mga mas kilala at mas mataas ang ranggo sa kanya gaya nina World No. 5 Madison Keys at World No. 2 Iga Swiatek. 

ADVERTISEMENT

Kahit bigong manalo laban kay World No. 4 Jessica Pegula sa semis, proud na proud pa rin ang  mga tagasuporta ni Eala kabilang na ang mga kakilala kung saan siya lumaki at nakakita sa kanyang pag-usbong bilang isang tennis player. 

Gayundin ang paghanga sa kanya ng mga nangangarap at determinadong sumunod sa kanyang yapak gaya ng 11 taong gulang na si Ria Hosaka. 

– Ulat ni Christopher Sitson, Patrol ng Pilipino

Video produced with Jed Laudencia

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.