Karateka Junna Tsukii nakamit ang ginto sa 2022 World Games | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Karateka Junna Tsukii nakamit ang ginto sa 2022 World Games

ABS-CBN News
Published Jul 09, 2022 03:13 PM PHT
|
Updated Jul 09, 2022 08:09 PM PHT

MAYNILA – Nakuha ni Filipino-Japanese karateka Junna Tsukki ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa 2022 World Games sa Birmingham, Alabama.

Nagreyna si Tsukki sa women’s Kumite u-50kg sa nasabing kompetisyon na sasalihan ng 10 atletang Pilipino sa iba’t ibang larangan.

Iginupo ng karate star si Yorgelis Salazar ng Venezuela sa final ng kanilang kategorya, 2-0, upang masiguro ang ginto.

Pinangunahan ni powerlifter Joyce Gail Reboton ang maliit na grupo ng Pilipinas sa World Games sa ginanap na Opening Ceremony nitong Biyernes.

Bagamat hindi marami ang ipinadalang atleta, kumpiyansa si Chef de mission Patrick Gregorio sa tiyansa ng bansa na makapag-uwi ng mga medalya lalo pa’t mga beteranong manlalaro ang kakatawan sa Pilipinas.

Kabilang sa babandera sa Pilipinas ay si Carlo Biado na kagagaling lamang sa matagumpay na kampanya sa SEA Games sa Vietnam.

Siya rin ang nag-iisang Pinoy na nakapag-uwi ng ginto sa 2017 World Games sa Wroclaw, Poland.

Kasama rin sa Team Philippines ang billiards ace na si Rubilen Amit, jiu-jitsu champion Annie Ramirez, muay stars Philip Delarmino at Leeana Bade, at duathlon top bets Marion Kim Mangrobang, John Chicano at Fernando Caseres.