Tatlong Pinoy pasok sa semis ng International Muay Thai Championship sa UAE | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tatlong Pinoy pasok sa semis ng International Muay Thai Championship sa UAE
Aldwin Cosuco | TFC News UAE
Published Jun 01, 2022 07:06 PM PHT
|
Updated Jun 02, 2022 10:02 AM PHT

DUBAI- Pasok ang tatlong Pinoy na sina Mary Glyde Salasar, Adelle Rosales at Aldrich Toralba sa semi-finals ng International Federation of Muay Thai Association Senior World Championship under 23 and Elite Division sa Abu Dhabi Exhibition Center sa United Arab Emirates.

Sigurado na silang mag-uuwi ng bronze medal sa kumpetisyon na nagsimula nitong May 26 at magtatapos sa June 4.

May 600 atleta ang kalahok sa international competition mula sa 100 na bansa kasama ang Pilipinas.

Makakalaban ni Salasar sa semi-finals ngayong June 1 ang pambato ng UAE na si Aya Benchohra, habang sina Rosales at Toralba naman ay makakasagupa sina Asror Karimov ng Uzbekistan at Ahmad Nor Iman Aliff Bin Rakib ng Malaysia.

Ang mananalo sa semi-finals ay aabante sa finals na gaganapin sa June 3-4. Ang koponan ng Pilipinas ay pinangungunahan nina Head Coach Billy Alumno ng Baguio at coaching staff na sina Preciousa Delarmino ng Philippine Air Force at Armando Solar ng Quezon City.

Kasama ang mga manlalarong Pinoy sa Team Bagsik na sina Mary Glyde Elizabeth Salasar para sa 45kg, U23 female category (Zambales); at Adelle Vinscent Rosales 48kg, U23 male category (Quezon City); at sina Aldrich Toralba 54kg, U23 male category (Baguio); James Daquil 60kg Elite Division male category (Iloilo); at Shaquille Soriano 63.5kg Elite Division male category (Baguio).

Ang koponan ay nasa ilalim ng pamumuno at patnubay ni Gen. Lucas Managuelod, Pangulo ng Muay Thai Association of the Philippines sa pangangalaga ng Philippines Sports Commission at Philippine Olympic Committee.

Nanawagan naman ng suporta sa Filipino community sa UAE ang mga atleta para sila'y mapanood ng libre sa Abu Dhabi National Exhibition Center o manood ng live ng laro nila online sa United Arab Muay Thai YouTube channel na https://youtube.com/c/UAMpro.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Gitnang Silangan, Europa at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT