Sports facilities naghahanda na sa napipintong Metro Manila GCQ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sports facilities naghahanda na sa napipintong Metro Manila GCQ

ABS-CBN News
Published May 30, 2020 06:59 PM PHT
|
Updated May 30, 2020 07:01 PM PHT

Naghahanda na ang sports facilities sa Metro Manila sa pagbubukas sa Lunes, ngayong pinapayagan na ang ilang non-contact sports sa general community quarantine sa rehiyon.

Ang Alabang Sports Club sa Muntinlupa, magpapatupad ng estriktong mga patakaran sa inaasahang pagbubukas ng kanilang pasilidad.

Sa golf course, limitado lang ang bilang ng player.

Kakaunti lang dapat ang mga-caddy at may distansiya dapat ang mga manlalaro at naka-mask. Dapat ding isa lang ang nakasakay sa golf cart at dapat tiyakin nitong hawak niya ang kaniyang golf club. Maaaring maglaro ang mga senior at junior golfer.

“Sa golf, one golf cart per player, apat na caddies assigned nasa fairway, iyong golfer hawak ang sarili mong clubs, magtatayo ng disinfecting mats at misting tents,” ani Carla Maramara, general manager ng Alabang Sports Club.

"First tee-off 5:45 (a.m.) last is 3 p.m. dito sa Alabang Country Club kailangan advance booking ang tee time,” ani Henry Arabelo, golf director ng club.

Sa badminton, hindi gagamitin ang lahat ng court para may distansya sa pagitan ng mga manlalaro.

Dalawang player lang ang puwede bawat court at titigil din sa pagitan ng mga laro para i-disinfect ang court bago pumasok ang susunod na mga manlalaro.

"Sa badminton, every other court, tapos singles lang, touch only your own equipment,” ani Maramara.

Kasali rin ang recreational tennis sa non-contact sport na pinapayagan sa general community quarantine. Kahit sarado ang tennis courts sa huling two buwan, tuloy ang linggo-linggong pagdi-disinfect nito.

“Initially one court apart, singles, every hour you can reserve in advance dapat minimal. May ballboy trainer, of course, they still have to undergo iyong temperature scan et cetera,” ani Maramara.

Bawal ding mag-shower sa locker rooms at kailangang magdala ng sariling tuwalya.

Sarado pa rin ang ilang facilities tulad ng locker at gym, habang take out pa rin ang pagkain.

— Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
coronavirus
COVID-19
coronavirus Philippines update
COVID
coronavirus disease Philippines
COVID-19 Philippines update
sports
non-contact sports
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT