Filipinas, binigyang pagkilala sa Senado | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Filipinas, binigyang pagkilala sa Senado
Johnson Manabat,
ABS-CBN News
Published May 15, 2023 05:26 PM PHT
|
Updated May 15, 2023 09:22 PM PHT

MANILA -- Kinilala ng Senado nitong Lunes ang galing ng Philippine women's national football team, na mas kilala sa tawag na "Filipinas."

Ito ang nakapaloob sa Senate Resolution na kumikilala sa pagkapanalo ng Filipinas sa AFF Women's Championship, na ginanap noong July 2022 sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila.

Si Senator Pia Cayetano ang sponsor ng resolusyon na ito para kilalanin ang kontribusyon sa bansa ng Filipinas.

Bukod sa panalo nila sa AFF Women's Championship noong 2022, nag-qualify din ang Filipinas sa 2023 FIFA Women's World Cup sa kauna-unahang pagkakataon. Ito ay matapos nilang talunin ang Chinese-Taipei sa quarterfinals ng AFC Women's Asian Cup sa India.

Nasa ika-49 na puwesto ang Filipinas sa ranking ng FIFA.

Sa ngayon, puspusan ang paghahanda ng Filipinas para sa World Cup na gaganapin sa Australia at New Zealand mula July 22 - August 20, 2023.

Read More:
football
Philippine women's national football team
PWNFT
Filipinas
Philippine Senate
Pia Cayetano
FIFA Women's World Cup
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT