'Akala mo, mamamatay ka na': Pinay nurse sa Belgium na gumaling sa COVID-19, nagbahagi ng karanasan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Akala mo, mamamatay ka na': Pinay nurse sa Belgium na gumaling sa COVID-19, nagbahagi ng karanasan

Raquel Bernal-Crisostomo,
ABS-CBN News
Published Apr 07, 2020 05:21 PM PHT

BRUSSELS, Belgium - Ibinahagi kamakailan ng isang Pilipinang nurse dito ang pinagdaanan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na kanyang nakuha mula sa isang pasyenteng inalagaan sa trabaho.

Ayon ay Flor Panes, Marso 14 nang makumpirmang positibo siya sa COVID-19. Pero tatlong araw bago magpa-test, nakaramdam na siya ng kakaibang pagod at matinding pananakit ng ulo.
"Masakit na masakit talaga yung ulo ko, yung pakiramdam mo na parang mag-explode, tapos para akong nasusuka. Nakatayo ako, para akong natutumba, nawawalan ng puwersa. Pagod na pagod ako. 'Di naman ako usually ganun. Tapos, nagka-diarrhea ako," kuwento ni Panes.

Payo ng doktor sa kaniya, manatili sa bahay dahil hindi lahat ng sintomas ay mararamdaman nang sabay-sabay.

"Nagkaroon ako ng difficulty in breathing kaya nagpa-panic ka. Nagchi-chill ka kahit wala ka namang fever," dagdag niya.
Para makarekober agad, sinunod niya ang payo ng doktor na uminom ng paracetamol at kumain ng pagkaing sagana sa Vitamin C.

"Naglalaga ako ng luya, tapos nilalagyan ko ng lemon at honey. Yun ang iniinom (ko)," sabi niya.

Nahawa siya sa Italyanong pasyenteng dalawang linggo niyang inalagaan. Nakumpirma nilang may COVID-19 pala ito, apat na araw bago namatay.
"Hindi namin alam kung sino naka-infect sa kaniya. Nalaman na lang namin after 2 weeks, nang nagkaroon na siya ng mga symptoms. 4 days lang, wala na," kuwento ni Panes.

"Ako, direct contact ako sa kaniya. Wala akong gloves kasi normal patient siya. 'Di mo akalain na meron pala siyang COVID."

Naging emosyonal siya nang ikuwento ang hirap na pinagdaanan, lalo na't mag-isa lang siya sa bahay. Masuwerte na lamang siya at may mga kaibigan na halos araw-araw ay nag-iiwan ng pagkain sa kaniyang pintuan.
Sa loob ng quarantine period, hindi siya mabisita ng kaniyang mga anak.

"Yung pagka nahihirapan kang huminga, akala mo mamamatay ka na. Natatakot ka, baka mamaya kung ano mangyari sa iyo, mag-isa ka," sabi niya.

Nasa kabilang bahay lamang ang kaniyang mga anak para 'di mahawa dahil may mga hika, aniya.

Matapos ang quarantine period, balik trabaho si Panes bagama't may dalang takot na muling mahawa ulit.

Himutok niya na maraming tao pa rin ang 'di sumusunod sa panawagan ng gobyerno na manatili sa bahay.
"Nang dahil sa kanila, dumadami yung (may) sakit. Kung marami na talaga na-infect na tao, hindi kakayanin ng Belgium. Ilan na ang mga nalagas na doktor, tapos mga kasama mo, kakilala mo. Ni pagbisita, hindi mo sila mabisita. Yung iba, malalaman mo na lang namamatay na," sabi niya.
Payo niya sa mga kababayan na nakakaramdam ng sintomas ng sakit na manatili sa bahay nang hindi na makahawa pa ng iba.

"Lucky ka 'pag malakas ang immune system mo. Pero paano naman yung mahahawa mo na mahina katawan? Pag 'di sila naagapan, mamatay sila," sabi niya.

Nananawagan din siya sa mga nais na mag-donate ng face shield para sa kanila. Malaking tulong aniya ito para sa kaligtasan nila habang ginagampanan ang kanilang trabaho.

Ang Belgium ay mayroon ng 19,691 kaso ng COVID-19 at 1,447 ang nasawi, base sa ulat ng World Health Organization nitong Abril 6.

Read More:
Belgium coronavirus updates
OFW coronavirus updates
Balitang Global
Pinay nurse
COVID-19 Belgium
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT