TV PATROL: 6 patay sa bumagsak na helicopter sa Hudson River sa US
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TV PATROL: 6 patay sa bumagsak na helicopter sa Hudson River sa US
ABS-CBN News
Published Apr 11, 2025 08:37 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Anim ang patay kabilang ang isang pamilya ng mga turista mula Espanya, matapos bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter sa Hudson River sa New York. Labing walong minuto pa lang sa himpapawid ang helicopter na nag-ikot sa paligid ng Manhattan skyline at Statue of Liberty nang magkaaberya sa ere at bumulusok sa ilog. Kinumpirma ng otoridad sa New York na bukod sa piloto, nasawi rin ang senior executive ng global tech firm na Siemens na si Agustin Escobar, ang kanyang asawang si Mercè Camprubí Montal, na global manager sa isang energy technology company at kanilang tatlong anak. Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng pagbagsak ng eroplano. TV Patrol, Biyernes, 11 Abril 2025