Pordalikes: 3 magnanakaw ng alahas tiklo matapos magyabang sa Instagram | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pordalikes: 3 magnanakaw ng alahas tiklo matapos magyabang sa Instagram

ABS-CBN News

Clipboard

Sa kulungan ang bagsak ng 3 lalaking sangkot umano sa pagnanakaw ng $2.6-milyon alahas sa Beverly Hills, California matapos ipagmalaki ng isa sa grupo ang krimen sa kanyang Instagram account.

Gamit ang mga martilyo at crowbar, hinakot umano nina Ladell Tharpe, Jimmy Lee Vernon at Deshon Bell ang mahigit nasa P148 milyong halaga ng mga kuwintas, pulseras at mamahaling relo sa isang tindahan ng mga alahas sa Beverly Hills noong 2022.

Masuwerte namang nahulog ang cellphone ng isa sa mga magnanakaw, na nagamit ng mga imbestigador para matunton ang tatlo.

Lalong napadali ang imbestigasyon matapos mag-post si Tharpe sa kanyang Instagram ng mga retrato ng limpak-limpak na pera na may caption na: "Robbery Gang."

ADVERTISEMENT

Nakulong nang isang taon si Bell habang nasentensyahan si Vernon ng 6 taon at 8 buwan ng pagkakakulong matapos umamin sa pagnanakaw.

Nitong Lunes, nasentensyahan si Tharpe ng 7 taon pagkakakulong sa federal prison matapos umamin sa krimen.

"Brazen criminal action that directly targets our small businesses in Los Angeles County will not be tolerated," ani Acting United States Attorney Joseph McNally.

"The consequences for such action are severe and penalized accordingly."

Isinalin mula sa ulat ng Agence France Presse

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.