5 sugatan sa pagsalpok ng jeep sa concrete barriers sa Antipolo, Rizal | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

5 sugatan sa pagsalpok ng jeep sa concrete barriers sa Antipolo, Rizal

5 sugatan sa pagsalpok ng jeep sa concrete barriers sa Antipolo, Rizal

Kaxandra Salonga,

ABS-CBN News

Clipboard

Photo release: Antipolo City Office of Public Safety and Security

RIZAL — Sugatan ang limang pasahero matapos sumalpok ang isang jeep sa dalawang concrete barriers sa Marcos Highway sa Barangay Mayamot sa Antipolo City, Rizal, pasado alas syete ng gabi nitong Sabado.

Kwento ng 50-anyos na driver, galing siya ng Cubao papuntang Cogeo nang biglang sumingit sa kanyang unahan ang isang motorsiklo.

“Nag-apply ako ng brake kaya lang loose brake… ang ginawa ko, binusinahan ko nang binusinahan yung motor para lumayo lang siya sa akin… pagdating doon sa may U-Turn… ang ginawa ko, inilagan ko nang inilagan hanggang sa matumbok ko yung barrier,” aniya.

Ayon kay Nolie Viñas, traffic enforcer ng Office of Public Safety and Security Antipolo, nagtamo ng minor injuries ang apat na pasahero habang ang isang babae na dinala sa ospital ay nasugatan sa kanang binti.

ADVERTISEMENT

Bukod sa dalawang concrete barriers, nadamay din ang bahagi ng gutter. Ayon sa driver, handang sagutin ng kanilang operator ang mga kaukulang danyos.

Iginiit din niya na regular niyang sinusuri ang jeep bago pumasada.

Dinala sa Antipolo Police Community Precinct 1 ang jeep at driver na posibleng maharap sa reklamong Reckless Imprudence Resulting in Physical Injuries and Damage to Property.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.