Election leader ni Naic Mayor-elect Magbitang, patay sa pamamaril | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Election leader ni Naic Mayor-elect Magbitang, patay sa pamamaril

Izzy Lee,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 24, 2025 10:40 PM PHT

Clipboard

(UPDATED) Patay sa pamamaril ang election leader ni Naic, Cavite Mayor-elect Rommel Magbitang sa Brgy. Sabang nitong Sabado ng hapon.

Ayon sa isa sa staff ni Magbitang, bandang alas-singko ng hapon nang barilin ang biktima sa tapat ng kaniyang bahay.

"Habang ang biktima ay pababa ng kaniyang sasakyan sa harap ng kaniyang bahay, pagbaba niya ay meron na agad sumugod sakanya na isang nakamotor at binaril siya," dagdag niya.

Dagdag pa niya, wala pa silang ideya kung ano ang motibo sa pamamaril at kung may kinalaman ba ito sa pulitika.

ADVERTISEMENT

"Wala pa po akong nakukuhang info kung may kaaway siya or death threats siya. Kasi 'yung pamilya niya hindi pa namin nakakausap," sabi niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.