10 Chinese na sangkot umano sa Porac POGO hub, nahuli sa Bataan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
10 Chinese na sangkot umano sa Porac POGO hub, nahuli sa Bataan

Arestado ang 10 Chinese nationals na sangkot umano sa love at cryptocurrency scam sa Mariveles, Bataan.

Base sa ulat ng NBI-Criminal Intelligence Division (NBI-CRID), isinilbi nila ang search warrant sa dalawang bahay na nirentahan ng mga Chinese kung saan ino-operate ang scam hub.

Naaktuhan nila ang mga dayuhan na nakaharap sa kanilang mga computer at cellphone habang isinasagawa ang umanoy panloloko.

“Kung mapapansin ninyo, ‘yung mga cellphones na gamit nila doon nakatakip ang mga camera para hindi makita ‘yung kausap nila. Kasi magpapanggap silang kung sino e,” ayon kay Noel Bocaling, Assistant Director for Intelligence Service.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na dating mga empleyado ng POGO hub sa Porac, Pampanga ang mga suspek.

“Nung dinismantle nila ‘yan, marami diyan, nakatakas din e. Nung tumakas sila, hindi na sila nag-amo. Sila-sila na lang ang nag-create ng grupo-grupo nila. Kaya nagkaroon na ng mga splinter groups,” sabi ni Bocaling.

“At saka lumalayo na sila dito sa Manila kasi nandito lahat ng awtoridad.”

Sinampahan sila ng mga reklamong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 at Anti-Financial Account Scamming Act.

Makikipag-ugnayan ang NBI sa Bureau of Immigration (BI) para sa deportation ng mga dayuhan matapos harapin ang kaso.